𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐆𝐇𝐎𝐘 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏-𝟓 - 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐄𝐒 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍
Aklat ng Panaghoy
Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat ng Aklat ng Panaghoy. Ayon sa tradisyon, si Propeta Jeremias ang sumulat ng aklat na ito. Ang pananaw na ito ay malapit sa katotohanan dahil ang manunulat ay nakasaksi sa pagwasak ng Babilonia sa Jerusalem. Taglay ni Jeremias ang kwalipikasyong ito. (2 Cronica 35:25; 36:21-22).
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ng Panaghoy ay maaaring nasulat sa pagitan ng 586 at 575 B.C., habang sinasakop ang Jerusalem o pagkatapos ng pagbagsak nito sa kamay ng Babilonia.
Show More
Layunin ng Sulat: Dahil sa patuloy na hindi pagsisisi ng Juda sa pagsamba sa mga diyus diyusan, hinayaan ng Diyos na salakayain, pagnakawan, sunugin at wasakin ang siyudad ng Jerusalem. Sinunog ang templo ni Solomon na nakatayo sa loob ng humigit kumulang 400 taon. Bilang saksi sa mga pangyayaring ito, isinulat ni Propeta Jeremias ang kanyang mga nasaksihan. Ang kanyang aklat ay isang panaghoy bilang pagdadalamhati sa mga nangyari sa Juda at Jerusalem.
Mga Susing Talata: Panaghoy 2:17, "Isinagawa ni Yahweh ang kanyang balak; tinupad niya ang kanyang banta. Walang awa niya tayong winasak; pinagtagumpay niya ang kaaway at dinulutan ng kagalakan sa paglupig sa atin."
Panaghoy 3:22-23, "v22Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ni Yahweh at ang kanyang walang kupas na kahabagan, hindi nagbabago tulad ng bukang-liwayway, dakila ang kanyang katapatan."
Panaghoy 5:19-22, "v19Ang mga humahabol sa amin ay higit na mabilis kaysa mga agila sa himpapawid; tinugis nila kami sa mga kabundukan, inabangan sa ilang. Nabihag nila ang aming tagapagtanggol, ang hinirang ni Yahweh, na inaasahan naming mangangalaga sa amin laban sa mga kaaway. Magalak ka't matuwa, bayan ng Edom at Uz; Pagkat daranasin mo rin ang kapahamakang sinapit namin, Malalagay ka rin sa walang katulad na kahihiyan. Pinagdusahan na ng Sion ang kanyang mga kasalanan Kaya't lalaya ka na mula sa pagkakatapon; ngunit parurusahan ni Yahweh ang Edom dahil sa iyong kalikuan, At











