📖𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐢 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚 𝐄𝐳𝐞𝐤𝐢𝐞𝐥 - 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏-𝟒𝟖 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧


Aklat ni Ezekiel
Manunulat: Ang sumulat ng aklat ay ang Propetang si Ezekiel (Ezekiel 1:3). Siya ay sa kapanuhanan nina Jeremiah at Daniel.

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Ezekiel ay malamang na naisulat sa pagitan ng 593 and 565 B.C. sa panahon ng pananakop ng mga Babylonian sa mga Hudyo.

Show More

Layunin ng Sulat: Pinamunuan ni Ezekiel ang kanyang henerasyon na kapwa mga lubhang masakalanan at lubos na wala ng pag-asa. Sa pamamagitan ng kanyang pagmiministeryo bilang propeta, kanyang tinangka na sila'y hikayating madali sa pagsisisi at magtiwala sa nalalapit na hinaharap. Kanyang itinuro na : (1) Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng mga taong tagapaghatid ng Kanyang mensahe; (2) Maging sa pagkabigo at kawalan ng pag-asa kinakailangang magtiwala ang mga anak ng Diyos na Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat; (3) Hindi kailanman mabibigo ang Salita ng Diyos; (4) Ang Diyos ay laging nandiyan at maaring sambahin kahit saan; (5) Nararapat na sumunod ang mga tao sa Diyos kung sila'y umaasa na makatatanggap ng pagpapala; at (6) Ang Kaharian ng Diyos ay darating.

Mga Susing Talata: Ezekiel 2:3-6, "At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito; At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila; At ikaw, anak ng tao, huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press