📖𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐢 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚 𝐃𝐀𝐍𝐈𝐄𝐋 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏-𝟏𝟐 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧📖
Aklat ni Daniel
Manunulat: Binanggit sa aklat na si Propeta Daniel ang manunulat (Daniel 9:2; 10:2). Binanggit din ni Hesus na si Daniel ang manunulat ng Aklat ni Daniel. (Mateo 24:15).
Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ni Daniel ay maaaring naisulat sa pagitan ng 540 at 530 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Noong 605 B.C, sinakop ni Haring Nabucodonosor ng Babilonia ang Juda at itinapon ang marami nitong mamamayan sa Babilonia- kasama si Daniel. Naglingkod si Daniel sa sambahayan ni Nabucodonosor at ilang pang pinuno na sumunod kay Nabucodonosor. Itinala ng Aklat ni Daniel ang mga gawa, mga hula, at pangitain ni Propeta Daniel.
Mga Susing Talata: Daniel 1:19-20, "Isa-isa silang kinausap ng hari, ngunit nakita niyang nakahihigit sina Daniel, Ananias, Misael at Azarias. Kaya, sila ang napili ng hari upang maglingkod sa palasyo. Sa lahat ng bagay na isangguni sa kanila, nakita ng hari na higit na di hamak ang kaalaman nila kaysa mga salamangkero at engkantador ng kaharian."
Daniel 2:31, "Mahal na hari, ang napanaginip ninyo ay isang malaki at nakasisilaw na rebulto. Nakatayo ito sa harap ninyo at nakatatakot tingnan."
Daniel 3:17-18, "Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinagawa ninyo."
Daniel 4:34-35, "v34"Pagkatapos ng takdang panahon, akong si Nabucodonosor ay tumingin sa langit at nanumbalik ang dati kong isip. Dahil dito, pinuri ko't pinasalamatan ang Kataas-taasang Diyos, ang nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya'y walang hanggan, ang pamamahala niya'y walang katapusan. Lahat ng nabubuhay ay walang halaga. Ginagawa niya sa hukbo ng langit ang balang ibigin niya. Walang maaaring mag-utos sa kanya ni makasisiyasat sa kanyang ginagawa."
Daniel 9:25-27, "Unawain mo ito: mula sa pagkabigay ng utos na muling itindig ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng prinsipeng hinirang ng Diyos ay











