📖𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐢 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚 𝐌𝐈𝐊𝐀𝐒 📖𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏-𝟕 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧📖
Aklat ni Mikas
Manunulat: Ang sumulat ng Aklat ni Mikas ay ang propetang si Mikas (Mikas 1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Mikas ay malamang na naisulat sa pagitan ng 735 at 700 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Ang mensahe ng Aklat ni Mikas ay pinaghalong paksa ng paghahatol at pag-asa. Sa isang banda, ang propesiya ay nagpahayag ng paghahatol sa Israel para sa mga kasamaan sa lipunan, mga sirang pinuno at pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ang paghuhukom na ito ay inaasahang hahantong sa pagkawasak ng Samaria at Jerusalem. Sa kabilang banda, inihahayag ng aklat hindi lamang ang pagkabuo muli ng bansa, kundi ang pagbabagong-anyo at pagtataas sa Israel at Jerusalem. Ang mensahe ng pag-asa at kapahamakan ay hindi nangangahulugan ng pagkakasalungat, yamang ang pagbabagong-anyo ay magaganap lamang matapos ang paghuhukom.
Mga Susing Talata: Mikas 1:2, "Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Diyos ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa Kaniyang banal na templo."
Mikas 5:2, "Nguni't ikaw, Bethlehem, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang Isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan Niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan."
Mikas 6:8, "Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Diyos."
Mikas 7:18-19, - Sino ang Diyos na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob; Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; Kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at Kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
Maiksing pagbubuod: Isinusumpa ng propeta ang mga pinuno, pari at mga propeta ng Israel na nagsamantala at











