📖𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐢 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐊𝐊𝐔𝐊 📖𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏-𝟑 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧📖
Aklat ni Habacuc
Manunulat: Tinutukoy sa Habacuc 1:1 na ang Aklat ni Habacuc ay isang orakulo mula kay Propeta Habacuc.
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Habacuc ay maaaring naisulat sa pagitan ng 610 at 605 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Nagtataka si Habacuc kung bakit hinahayaan ng Diyos na dumaan sa paghihirap ang Kanyang bayan sa mga kamay ng kanilang mga kaaway. Sumagot ang Diyos at ang pananampalataya ni Habacuc ay nanumbalik.
Mga Susing Talata: Habacuc 1:2, "Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas."
Habacuc 1:5, "Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo."
Habacuc 1:12, "Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay..."
Habacuc 2:2-4, "At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya."
Habacuc 2:20, "Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya."
Habacuc 3:2, "Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan."
Habacuc 3:19, "Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako."
Maiksing Pagbubuod: Ang











