✝𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐍𝐃𝐎 𝐊𝐔𝐌𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐄𝐕𝐎𝐋𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍🤍
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. Genesis 1:1
At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. Genesis 1:20
At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. Genesis 1:21
At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. Genesis 1:24











