๐Ÿ“–๐“๐š๐ฆ๐š ๐›๐š ๐จ๐ซ ๐Œ๐š๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐Š๐ฎ๐ฆ๐š๐ข๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐ง๐ž ๐ง๐  ๐๐š๐›๐จ๐ฒโ“


Mat 15:11
Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos.โ€

Acts 10
1 Si Pedro at si Cornelio
Sa Cesarea ay may isang lalaking nagngangalang Cornelio, kapitan ng isang kompanya sa Cohorte Italiana ng hukbong Romano.

Show More

2 Ang taong itoโ€™y sumasamba at may takot sa Diyos, gayon din ang buong sambahayan niya. Palagi itong nagbibigay ng tulong sa mga Judio, at laging nananalangin sa Diyos.

3 Minsang mag-iikatlo ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain: kitang-kita niyang pumasok sa bahay niya ang isang anghel ng Diyos, at tinawag siya.

4 Siyaโ€™y tumingin at takot na takot na sumagot, โ€œAno po iyon, Ginoo?โ€ Sinabi sa kanya ng anghel, โ€œKinalugdan ng Diyos ang iyong mga dalangin at ang ginagawa mong pagtulong. [support]

5 Magsugo ka ngayon ng ilan katao sa Jope upang sunduin ang isang taong ang ngalaโ€™y Simon na tinatawag ding Pedro.

6 Siyaโ€™y nanunuluyan kay Simong mangungulti ng katad na nakatira sa tabi ng dagat.โ€

7 Pagkaalis ng anghel, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kanyang mga utusan at isang kawal na may takot sa Diyos, isa sa mga nakatalaga sa paglilingkod sa kanya.

8 Isinalaysay niya sa mga ito ang mga pangyayari, saka inutusan sa Jope.

9 Kinabukasan, nang malapit na sa Jope ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro namaโ€™y umakyat sa bubungan upang manalangin. Magtatanghaling-tapat na noon support [support]

10 at siyaโ€™y gutom na gutom na. Ngunit habang inihahanda ang pagkain, siyaโ€™y nagkaroon ng pangitain.

11 Nabuksan ang langit at nakita niyang inihuhugos sa lupa ang isang wariโ€™y malaking kumot na nakabitin sa apat na panulukan.

12 Naroon ang lahat ng uri ng hayop: mga lumalakad at gumagapang sa lupa, at mga lumilipad sa himpapawid.

13 At narinig niya ang isang tinig na nagsabi, โ€œTumindig ka, Pedro. Magpatay kaโ€™t kumain.โ€

14 Ngunit sumagot si Pedro, โ€œHinding-hindi ko po magagawa iyan, Panginoon! Kailanmaโ€™y hindi ako kumain ng anumang bagay na itinuturing na marumi o di karapat-dapat.โ€ support

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press