📖𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐋𝐢𝐤𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 ✝
Huwag ninyong hanapin ang inyong kamatayan sa pamamagitan ng masasamang gawa;
huwag kayong pumasok sa kapahamakan na kayo na rin ang may kagagawan.
Ang kamatayan ay hindi gawa ng Diyos.
Hindi siya nalulugod sa pagkamatay ng alinmang may buhay.
Ginawa niya ang bawat nilalang upang magpatuloy,
at lahat ng nilalang niya ay mabuti at mahusay.
Wala silang kamandag na nakamamatay.
Ang kamatayan ay di naghahari sa daigdig na ito,
sapagkat ang katarungan ng Diyos ay walang kamatayan.
Ngunit ang masasama ay naghahanap ng kamatayan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa;
kinaibigan nila ang kamatayan at nakipagtipan dito,
sapagkat iyon ang nararapat nilang kasama.











