📖𝗔𝗻𝗴 𝗘𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗼 - 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗴 𝗕𝗮𝘀𝗮 - 𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗝𝗔𝗠𝗘𝗦 𝗩𝗘𝗥𝗦𝗜𝗢𝗡 ✝ #𝐌𝐠𝐚𝐌𝐚𝐧𝐮𝐬𝐤𝐫𝐢𝐭𝐨
Ebanghelyo ni Mateo
Manunulat: Ang Ebanghelyong ito ay nakilala bilang Ebanghelyo ni Mateo dahil ito ay isinulat ng apostol na nagtataglay ng parehong pangalan. Ang istilo ng pagkasulat sa aklat ay isang istilo na inaasahan mula sa isang dating maniningil ng buwis. May malalim na interes si Mateo sa mga numero (18:23-24; 25:14-15). Ang aklat ay napakaayos at direkta at sa halip na sumulat ayon sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayari, inayos ni Mateo ang kanyang Ebangghelyo sa anim na diskusyon.
Bilang isang maniningil ng buwis, nagtataglay si Mateo ng kasanayan upang gawing kasiya siya ang kanyang aklat para sa mga Kristiyano. Ang mga maniningil ng buwis ay inaasahan na marunong sumulat sa paraang gaya ng shorthand kaya nangangahulugan na maaaring itala ni Mateo ang salita ng isang tao habang ito ay nagsasalita, letra por letra. Ang kakayahang ito ni Mateo ay nangangahulugan na ang kanyang sinulat ay hindi lamang ginabayan ng Banal na Epsiritu, kundi kumakatawan ito sa aktwal na mga sermon ng Panginoong Hesu Kristo. Halimbawa, ang Sermon sa Bundok, na gaya ng kanyang itinala sa kabanata 5 hanggang 7, ay tiyak na isang perpektong tala ng dakilang mensahe ni Kristo.
Show More
Panahon ng Pagkasulat: Bilang isang apostol, isinulat ni Mateo ang aklat na ito sa panahon ng unang iglesya, maaaring noong hunigit kumulang 50 A.D. Ito ang mga panahon na ang karamihan ng mga Kristiyano ay mga Hudyo, kaya madaling maunawan kung bakit sumulat si Mateo sa perspektibo ng mga Hudyo.
Layunin ng Sulat: Nais ni Mateo na patunayan sa mga Hudyo na si Hesus ang ipinangakong Mesiyas. Bumanggit si Mateo ng mga talata sa Lumang Tipan ng higit sa pagbanggit ng ibang Ebanghelyo upang patunayan kung paanong ginanap ni Hesus ang mga hula ng mga propetang Hudyo. Inilarawan ni Mateo ang detalye ng angkang pinanggalingan ni Hesus mula kay Haring David at gumamit siya ng maraming pigura ng pananalita na pamilyar sa mga Hudyo. Ang pag-ibig at pagmamalasakit ni Mateo sa mga kapwa niya Hudyo ay malinaw na











