NAG-AALALA DIN NAMAN AKO | SPOKEN WORD POETRY| MERCY BLESS
NAG AALALA DIN NAMAN AKO
Natnat manlongat
PRODUCED BY: MERCY BLESS
bakit kailangan pa ng mga sagot sa bakit,
kung ang iyong mata naman na mismo ang nag sasabing oo huwag ka nang muling lalapit,
paano mapupunan ang mga pag kukulang,
kung sa bawat alay ko ng pag ibig ay siya namang tapon mo nito na parang basura sa paligid ,
hindi ba talaga kayang maayos ang hindi pa naman tapos,
ang mga pangako mo ba'y tunay ng inagos?
o ikinukubli mo lang sa isang tabi upang makita kitang malakas sa kabila ng sakit na iyong
dinadanas,
upang masabi mo sa akin na ayos lang ang lahat,
upang hindi ko isipin na ako'y nag kulang at hindi ko kailangan punan ang mga namumuo sa isip
mong hindi naman dapat,
ano ba ito?
laro?
o isang pag subok,
na kung saan ay kailangan mong sumubok,
upang malaman mo ang iyong hangganan,
kung hanggang saan ang iyong patutunguhan,
o baka panaginip naman ito,
na inisip mong masyado,
kung kaya't sa iyong isipan ay naka buo ka ng ilusyon na hindi sigurado,
siguro nga ay mali ako,
pero sana sa bawat pasensya ko ay nararamdaman mong nandito ako upang damayan ka,
hindi para dagdagan ang mga hinala at takot maging kaba,
nag aalala ako sayo.











