Nagbigay ng Paghahayag si Jesucristo tungkol sa Pagtitipon ng Israel| 3 Nephi 20–23


Nangaral si Jesus tungkol sa pagtitipon ng Israel. Sinabi Niya sa mga Sinaunang Amerika na sila ay mga anak ng mga propeta at ng tipan at ang Bagong Jerusalem ay itatatag sa kanilang lupain.

1 At ito ay nangyari na, na inutusan niya ang maraming tao na tumigil sila sa pananalangin, gayon din ang kanyang mga disipulo. At iniutos niya sa kanila na huwag silang tumigil sa pananalangin sa kanilang mga puso.

Show More

2 At kanyang inutusan silang bumangon at tumayo sa kanilang mga paa. At sila ay bumangon at tumayo sa kanilang mga paa.

3 At ito ay nangyari na, na muli niyang pinagputul-putol ang tinapay at binasbasan ito, at ibinigay sa mga disipulo upang kainin.

4 At nang sila ay makakain kanyang inutusan sila na kanilang pagputul-putulin ang tinapay, at ibigay sa maraming tao.

5 At nang mabigyan na nila ang maraming tao, ibinigay rin niya sa kanila ang alak upang inumin, at inutusan silang ibigay ito sa maraming tao.

6 Ngayon, walang tinapay, ni alak, na dinala ang mga disipulo, ni ang maraming tao;

7 Ngunit tunay na kanyang ibinigay sa kanila ang tinapay upang kainin, at gayon din ang alak upang inumin.

8 At sinabi niya sa kanila: Siya na kumakain ng tinapay na ito ay kumakain ng aking katawan sa kanyang kaluluwa; at siya na umiinom ng alak na ito ay umiinom ng aking dugo sa kanyang kaluluwa; at ang kanyang kaluluwa ay hindi kailanman magugutom ni mauuhaw, kundi mabubusog.

9 Ngayon, nang matapos makakain at makainom na lahat ang maraming tao, masdan, sila ay napuspos ng Espiritu; at sila ay sumigaw sa iisang tinig, at nagbigay-papuri kay Jesus, na kapwa nila nakita at narinig.

10 At ito ay nangyari na, nang matapos silang lahat magbigay-papuri kay Jesus, sinabi niya sa kanila: Masdan, ngayon ay natapos ko na ang kautusang iniutos ng Ama sa akin hinggil sa mga taong ito, na mga labi ng sambahayan ni Israel.

11 Natatandaan ninyo na winika ko sa inyo, at sinabi na sa panahon na ang mga salita ni Isaias ay matupad—masdan, yaon ay mga nakasulat, nasa harapan ninyo ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press