Nagdasal si Jesucristo para sa Kanyang mga Tao| 3 Nephi 19:15–36 | Mga Video ng Aklat ni Mormon
Binalikan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo at ang mga naniniwala sa Kanya. Binati Niya si Nephi, sinabi sa kanila na patuloy na manalangin, at Siya ay umalis upang manalangin sa Ama para sa kanila. Bumalik si Jesus at pinuri ang kanilang pananampalataya.
15 At ito ay nangyari na, na samantalang ang mga anghel ay naglilingkod sa mga disipulo, masdan, dumating si Jesus at tumayo sa gitna at naglingkod sa kanila.
Show More
16 At ito ay nangyari na, na siya ay nangusap sa maraming tao, at inutusan silang lumuhod na muli sa lupa, at gayon din na ang kanyang mga disipulo ay nararapat magsiluhod sa lupa.
17 At ito ay nangyari na, nang silang lahat ay nakaluhod na sa lupa, inutusan niya ang kanyang mga disipulo na sila ay manalangin.
18 At masdan, sila ay nagsimulang manalangin; at sila ay nanalangin kay Jesus, tinatawag siya na kanilang Panginoon at kanilang Diyos.
19 At ito ay nangyari na, na si Jesus ay umalis sa gitna nila, at lumayo nang kaunti sa kanila at iniyukod niya ang sarili sa lupa, at kanyang sinabi:
20 Ama, nagpapasalamat ako sa inyo na inyong ipinagkaloob ang Espiritu Santo sa mga ito na aking pinili; at ito ay dahil sa kanilang paniniwala sa akin kung kaya’t pinili ko sila mula sa sanlibutan.
21 Ama, idinadalangin ko sa inyo na ipagkaloob ninyo ang Espiritu Santo sa kanilang lahat na maniniwala sa kanilang mga salita.
22 Ama, ipinagkaloob ninyo sa kanila ang Espiritu Santo sapagkat sila ay naniniwala sa akin; at inyong nakikita na sila ay naniniwala sa akin sapagkat inyong naririnig sila, at sila ay nananalangin sa akin; at sila ay nananalangin sa akin sapagkat ako ay kasama nila.
23 At ngayon Ama, ako ay nananalangin sa inyo para sa kanila, at gayon din para sa lahat ng yaong maniniwala sa kanilang mga salita, upang sila ay maniwala sa akin, at nang ako ay mapasakanila kagaya ninyo, Ama, na nasa akin, upang tayo ay maging isa.
24 At ito ay nangyari na, nang si Jesus ay makapanalangin nang gayon sa Ama, siya ay lumapit sa kanyang mga disipulo, at masdan,











