Nagdasal si Nephi upang Maunawaan ang Pangitain ng Kanyang Ama | 1 Nephi 10


Kinausap ni propetang Lehi ang kanyang pamilya, kabilang si Nephi. Ikinuwento niya ang pangitaing nagpopropesiya tungkol sa pagkabihag ng Jerusalem. Sinabi ni Lehi na tutubusin ng Tagapagligtas ang nakakalat na Israel.

1 At ngayon ako, si Nephi, ay magpapatuloy na magbigay ng ulat sa mga laminang ito hinggil sa aking mga hakbangin, at aking panunungkulan at ministeryo; samakatwid, upang magpatuloy sa aking sariling ulat, kinakailangang mangusap ako kahit paano ng mga bagay hinggil sa aking ama, at hinggil din sa aking mga kapatid.

Show More

2 Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na matapos huminto ang aking ama sa pagsasalaysay ng mga salita ng kanyang panaginip, at pagpapayo rin sa kanila sa pagsusumigasig, nangusap din siya sa kanila hinggil sa mga Judio—

3 Na matapos silang malipol, maging yaong dakilang lunsod ng Jerusalem, at marami ang madadalang bihag sa Babilonia, alinsunod sa sariling takdang panahon ng Panginoon, sila ay muling magbabalik, oo, maging sa panunumbalik nila sa kalayaan mula sa pagkabihag; at matapos mapanumbalik sila sa kalayaan mula sa pagkabihag ay muli nilang aangkinin ang lupaing kanilang mana.

4 Oo, maging anim na raang taon mula nang lisanin ng aking ama ang Jerusalem, isang propeta ang ibabangon ng Panginoong Diyos sa mga Judio—maging isang Mesiyas, o, sa ibang salita, isang Tagapagligtas ng sanlibutan.

5 At nangusap din siya hinggil sa mga propeta, na napakalaking bilang ang nagpatotoo sa mga bagay na ito, hinggil sa Mesiyas na ito, na kanyang nabanggit, o itong Manunubos ng sanlibutan.

6 Samakatwid, ang buong sangkatauhan ay nasa ligaw at nahulog na kalagayan, at maliligtas lamang kung sila ay aasa sa Manunubos na ito.

7 At nangusap din siya hinggil sa isang propetang darating bago ang Mesiyas, na siyang maghahanda ng daan para sa Panginoon—

8 Oo, maging siya man ay magtutungo at mangangaral sa ilang: Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas; sapagkat may isang nakatayo sa inyo na hindi ninyo

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press