Nagturo si Jesucristo tungkol sa pangalan ng Kanyang Simbahan | 3 Nephi 27:1-10
Bininyagan ni propetang Nephi ang mga naniniwala at nalaman kalaunan ang mga pagtatalo hinggil sa pangalan ng Simbahan ng Panginoon. Nanalangin si Nephi at ang mga disipulo. Nagpakita si Jesus at sinagot ang kanilang tanong.
1 At ito ay nangyari na, na samantalang ang mga disipulo ni Jesus ay naglalakbay at ipinangangaral ang mga bagay na kapwa nila nakita at narinig, at nagbibinyag sa pangalan ni Jesus, ito ay nangyari na, na ang mga disipulo ay magkakasamang nagtipon at nagkaisa sa mataimtim na panalangin at pag-aayuno.
Show More
2 At muling ipinakita ni Jesus ang kanyang sarili sa kanila, sapagkat sila ay nananalangin sa Ama sa kanyang pangalan; at si Jesus ay dumating at tumayo sa gitna nila, at sinabi sa kanila: Ano ang nais ninyong ibigay ko sa inyo?
3 At kanilang sinabi sa kanya: Panginoon, nais naming sabihin ninyo sa amin ang pangalan kung paano namin tatawagin ang simbahang ito; sapagkat may mga pagtatalo sa mga tao hinggil sa bagay na ito.
4 At sinabi ng Panginoon sa kanila: Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, bakit kinakailangang bumulung-bulong ang mga tao at magtalo dahil sa bagay na ito?
5 Hindi ba nila nabasa ang mga banal na kasulatan, na nagsasabing inyong taglayin ang pangalan ni Cristo, na aking pangalan? Sapagkat sa pangalang ito kayo tatawagin sa huling araw;
6 At sinuman ang magtataglay ng aking pangalan, at magtitiis hanggang wakas, siya rin ay maliligtas sa huling araw.
7 Kaya nga, anuman ang inyong gagawin, gawin ninyo ito sa aking pangalan; kaya nga tatawagin ninyo ang simbahan sa aking pangalan; at kayo ay mananawagan sa Ama sa aking pangalan upang kanyang pagpalain ang simbahan alang-alang sa akin.
8 At paano ito magiging simbahan ko maliban kung ito ay tinatawag sa aking pangalan? Sapagkat kung ang isang simbahan ay tinatawag sa pangalan ni Moises, kung gayon iyon ay simbahan ni Moises; o kung iyon ay tatawagin sa pangalan ng isang tao kung gayon iyon ay simbahan ng isang tao; ngunit kung ito ay tinatawag sa aking pangalan











