NAKAKATAKOT MAGMAHAL MULI | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Nakakatakot magmahal muli
By: Mercy Bless
Nakakatakot magmahal muli
Dahil alam kong kapag ako’y nagmahal
Ilalaban kita hanggang dulo
Kahit na di sang ayon ang mundo
ay gagawin ang lahat para lang ikay’ maipanalo
Takot akong magmahal
Hindi dahil takot akong masaktan
Takot akong magmahal
Dahil ako yung tipo ng tao na kapag nagmahal
Gagagwin ang lahat mapasaya lang ang taong minamahal niya
Ako yung tipo ng tao na
Handang isuko ang mapayapa niyang mundo
Para lang sa isang taong gusto niya
Nakakainis diba?
Ganito ako magmahal
Walang sinusukuang laban
Dahil kapag sinabi kong mahal kita
Ibig sabihin nun mahal talaga kita
At wala akong inaatrasan mapasaya ka lang
Parang tanga diba?
Kaya ako natatakot magmahal muli
at ayaw ko ng tamaan ni kupido
Ang puso kong nananahimik
Sapagkat alam kong
Di ko kontrolado ang kaya kong gawin
kapag puso ko ng yung tinamaan
Ang sarap naman kasi magmahal
Kahit minsan di mo ito nararamdaman pabalik
Kahit na ikaw lang ang nagbibigay nito
At kahit ikaw lang ang masayang ginagawa ito
Nakakatakot magmahal diba?
Lalo na kapag yung taong minamahal mo
di ito kayang tanggapin
dahil ayaw niya talagang tanggapin
ang pag-ibig na sayo nagmula
Kahit na ibuhos mo lahat
Ibigay mo man ang mundo mo sa kanya ng buo
ay wala kang magagawa kung may ibang nagmamay ari nito
Kung pwede lang sanang
Huwag ng mahulog sa taong di naman para sayo
Kung pwede lang sanang
Pakiusapan ang tadhana na kung may darating man ay yung sigurado
Pero wala eh
Kailanagan mong maranasang magmahal
Ng taong kayang paglaruan ang nararamdaman mo
At kayang baliwalain ang pagmamahal mo
Kaya
Kapag darating man ang
Muling pagkakataon na ang pusoy handa ng magmahal muli
At handa ng sumugal muli
Sana doon na sa taong karapat dapat sa pagmamahal na kayang kong ibigay
At handa akong mahalin ng higit pa sa kung paano ko siya kayang mahalin











