Nakakita si Nephi ng Pangitain ng mga Mangyayari sa Hinaharap| 1 Nephi 10–15


Si Nephi, isang sinaunang propeta ng Diyos mula sa Jerusalem at Sinaunang Amerika, ay pinakitaan ng pangitain tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap, kahalintulad sa nakita ng kanyang ama, si Lehi at sinamahan ng anghel ng Panginoon.

Nakita ni Nephi ang pagsilang, paglilingkod at sakripisyo ni Jesucristo, ang Kanyang pagpapakita sa mga tao ng Sinaunang Amerika at ang panunumbalik ng ebanghelyo sa mga huling araw.

Show More

1 At ngayon ako, si Nephi, ay magpapatuloy na magbigay ng ulat sa mga laminang ito hinggil sa aking mga hakbangin, at aking panunungkulan at ministeryo; samakatwid, upang magpatuloy sa aking sariling ulat, kinakailangang mangusap ako kahit paano ng mga bagay hinggil sa aking ama, at hinggil din sa aking mga kapatid.

2 Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na matapos huminto ang aking ama sa pagsasalaysay ng mga salita ng kanyang panaginip, at pagpapayo rin sa kanila sa pagsusumigasig, nangusap din siya sa kanila hinggil sa mga Judio—

3 Na matapos silang malipol, maging yaong dakilang lunsod ng Jerusalem, at marami ang madadalang bihag sa Babilonia, alinsunod sa sariling takdang panahon ng Panginoon, sila ay muling magbabalik, oo, maging sa panunumbalik nila sa kalayaan mula sa pagkabihag; at matapos mapanumbalik sila sa kalayaan mula sa pagkabihag ay muli nilang aangkinin ang lupaing kanilang mana.

4 Oo, maging anim na raang taon mula nang lisanin ng aking ama ang Jerusalem, isang propeta ang ibabangon ng Panginoong Diyos sa mga Judio—maging isang Mesiyas, o, sa ibang salita, isang Tagapagligtas ng sanlibutan.

5 At nangusap din siya hinggil sa mga propeta, na napakalaking bilang ang nagpatotoo sa mga bagay na ito, hinggil sa Mesiyas na ito, na kanyang nabanggit, o itong Manunubos ng sanlibutan.

6 Samakatwid, ang buong sangkatauhan ay nasa ligaw at nahulog na kalagayan, at maliligtas lamang kung sila ay aasa sa Manunubos na ito.

7 At nangusap din siya hinggil sa isang propetang darating bago ang Mesiyas, na siyang maghahanda ng daan para sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press