Nakita ni Nephi ang Kapanganakan at Paglilingkod ni Jesucristo| 1 Nephi 11


Nanalangin si Nephi at dinalaw ng mga anghel. Nakita ni Nephi ang pangitain tungkol sa Anak ng Diyos at sa Kanyang ministeryo bilang Kordero ng Diyos. Nakita ni Nephi ang inang birhen at binigyang-kahulugan ang pag-ibig ng Diyos para sa mga anak ng tao.

1 Sapagkat ito ay nangyari na, na matapos kong naising malaman ang mga bagay na nakita ng aking ama, at naniniwala na ang Panginoon ay magagawang ipaalam sa akin ang mga bagay na yaon, habang nakaupo akong nagbubulay-bulay sa aking puso ay napasa-Espiritu ako ng Panginoon, oo, sa isang napakataas na bundok, na kailanman ay hindi ko pa nakikita, at kailanman ay hindi ko pa naiyayapak ang aking mga paa.

Show More

2 At sinabi sa akin ng Espiritu: Masdan, ano ang ninanais mo?

3 At tumugon ako: Nais kong mamasdan ang mga bagay na nakita ng aking ama.

4 At sinabi sa akin ng Espiritu: Naniniwala ka bang nakita ng iyong ama ang punungkahoy na kanyang sinabi?

5 At sinabi ko: Oo, nalalaman mong naniniwala ako sa lahat ng salita ng aking ama.

6 At nang sabihin ko ang mga salitang ito, ang Espiritu ay sumigaw sa malakas na tinig, sinasabing: Hosana sa Panginoon, ang kataas-taasang Diyos; sapagkat siya ang Diyos ng buong mundo, oo, maging higit sa lahat. At pinagpala ka, Nephi, sapagkat naniniwala ka sa Anak ng kataas-taasang Diyos; kaya nga, mamamasdan mo ang mga bagay na ninanais mo.

7 At masdan, ang bagay na ito ay ibibigay sa iyo bilang isang palatandaan, na matapos mong mamasdan ang punungkahoy na namumunga ng bungang natikman ng iyong ama, mamamasdan mo rin ang isang lalaking bumababa mula sa langit, at makikita mo siya; at matapos mong makita siya ay patototohanan mo na siya ang Anak ng Diyos.

8 At ito ay nangyari na, na sinabi sa akin ng Espiritu: Tingnan! At tumingin ako at namasdan ang punungkahoy; at ito ay nahahalintulad sa punungkahoy na nakita ng aking ama; at ubod ito ng ganda, oo, higit sa lahat ng kagandahan; at ang kaputian nito ay higit pa sa kaputian ng niyebe.

9 At ito ay nangyari na, na matapos kong makita

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press