Nakita ni Nephi ang Paglilingkod ni Jesucristo sa Amerika| 1 Nephi 12


Nakita ni Nephi ang sakripisyo ni Cristo para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Nakita niya ang kapalaluan, kasamaan at karahasan ng mundo at ang pagkawasak ng mga nakikipaglaban sa mga disipulo ng Kordero.

1 At ito ay nangyari na, na sinabi sa akin ng anghel: Tingnan, at masdan ang iyong mga binhi, at gayon din ang mga binhi ng iyong mga kapatid. At tumingin ako at namasdan ang lupang pangako; at nakamalas ako ng maraming tao, oo, maging ito ay kasindami ng buhangin sa dagat.

Show More

2 At ito ay nangyari na, na namasdan kong sama-samang nagtipon ang maraming tao upang makidigma, ang isa laban sa isa; at nakamalas ako ng mga digmaan, at alingawngaw ng mga digmaan, at malawakang pagkakatay sa pamamagitan ng espada sa aking mga tao.

3 At ito ay nangyari na, na namasdan kong lumipas ang maraming salinlahi, ayon sa mga digmaan at alitan sa lupain; at namasdan ko ang maraming lunsod, oo, maging hindi ko na mabilang ang mga yaon.

4 At ito ay nangyari na, na nakakita ako ng abu-abo ng kadiliman sa ibabaw ng lupang pangako; at nakakita ako ng mga pagkidlat, at nakarinig ako ng mga pagkulog, at paglindol, at lahat ng uri ng malalakas na ingay; at nakita ko ang lupa at ang mga naglalakihang bato, na nabiyak ang mga yaon; at nakita ko ang mga bundok na nangaguho at nagkapira-piraso; at nakita ko ang mga kapatagan ng lupa, na nagbitakan ang mga yaon, at nakita ko ang maraming lunsod na nagsilubog ang mga yaon; at nakita ko ang marami na ang mga yaon ay nangasunog ng apoy; at marami akong nakitang nangagbuwalan sa lupa, dahil sa mga pagyanig nito.

5 At ito ay nangyari na, na matapos kong makita ang mga bagay na ito, nakita ko ang ulap ng kadiliman, na ito ay nawala sa balat ng lupa; at masdan, nakita ko ang maraming tao na hindi nalipol dahil sa dakila at kakila-kilabot na paghuhukom ng Panginoon.

6 At nakita kong bumukas ang kalangitan, at ang Kordero ng Diyos na bumababa mula sa langit; at bumaba siya at ipinakita ang kanyang sarili sa kanila.

7 At nakita ko rin at

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press