NANG DAHIL KAY KRISTO | Original Composition
Deovincci Dasig
Composer: Sonny Boy Juane
Singer: @YeuseffMusic23
Arranger: @deovinccidasig
Minus 1: https://www.youtube.com/playlist?list=OLAK5uy_lMryjfj_TQChY2yVKwEYce7hu0eWwraX0
Show More
VERSE 1:
Nang makilala Siya
Ang buhay ko'y nagbago
Madilim na takbo ng buhay binigyan Niya ng tanglaw
Mahirap kung isipin at 'di ko kayang gawin
Ngunit ang Diyos ang Siyang pumili
Kasalana'y pinawi
CHORUS:
Nang dahil kay Kristo ang buhay ko'y nagbago
Nang dahil kay Kristo ay makakamtan ko
Ang pangako Niyang pagmamahal
Doon sa buhay na walang hanggan
VERSE 2:
O kay sarap isipin na Siya'y nasa 'king piling
Ang tulad kong makasalanan sa Kanya pala'y may puwang
Magmula ngayon ang buhay ko'y iaalay
Sisikapin kong maging matuwid
Kay Hesus ay iibig
BRIDGE:
Magmula ngayon at sa habang panahon
Iibig sa 'Yo Panginoon











