NANIWALANG NAWALA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG


MERCY BLESS

105 views

Naniwalang Nawala
by Charmaine de Leon
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Katulad ng isang libro,
Naglalaman ng kaalaman at mga kwento,
Hindi na ito kumpleto,
Kapag nawala ang isang pahina nito.

Show More

Hindi lang kami nawalan ng pahina
kundi ng pahinga,
Hindi lang kami nawalan ng pabalat
kundi ng pagkalinga,
Sa Iyong titulo dapat nakasentro ang buhay,
Dahil Ikaw ang sa amin ay nagbigay ng buhay.

Sa Iyong paglisan,
Naiwan ang maraming katanungan,
Kung saan-saan
hinanap ang mga kasagutan.

Iniwan mo nga ba kami sa gitna ng dilim?
Umalis Ka kasama ng iyong mga lihim,
Nadapa at nangapa sa kawalan,
Nawalan ng gabay, nasugatan at nasaktan.

Maraming naniniwalang nawala Ka.
Mali! Maraming naniwala na nawala Ka,
Mayroong naligaw ng landas
Ngunit may kumakapit pa rin Sa'yong bakas.

Ikaw ang nagsilbing Ama at sandigan,
Haligi ng minamahal na tahanan,
Sa inaakala nilang pag-alis Mo,
Nagkaroon ng kaguluhan sa mundo.

Maaaring hindi na ito ang dati Mong templo,
Tirahan ng mga banal o sagrado,
Nawalan sila ng pananampalataya,
Umasa na lang sa mga biyaya.

Inakala nilang pinabayaan Mo kami,
Napariwara na ang mga tagasunod at mga tagasilbi,
Mapangahas at walang pagsisisi
na gumawa ng mga bagay na hindi mabuti.

Mas mahigpit na ang kapit sa problema kaysa panalangin,
Sa pera ay nagpa-alipin,
Hindi na marunong humingi ng tawad,
Ang mga pasasalamat ay naging huwad.

Naniniwala na lang ba sila na nawala Ka
para sa pansariling kapakanan?
Para makaligtas sa paggawa ng kasalanan?
Di ba nila alam na ang iyong paglisan ay pag-ibig na walang hanggan?
Dahil ito ang dahilan kung bakit nailigtas ang sanlibutan.

Sa bibliya lang pala matatagpuan
Ang sagot sa mga palaisipan,
At hindi Ka naman talaga nawala,
Kami lang ang nawalan ng tiwala.

Kung makarating man ang liham na ito,
Sana kapag hindi na kapani-paniwala ang mga himala,
Kapag iniisip nilang wala ng pagpapala,
Sana patuloy Mong panghawakan ang mundo,
Para sa mga nagdududa na hindi Ka totoo...

MUSIC: https://youtu.be/Q5z4LFof8Sw
1 MILLION SUBSCRIBERS

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press