"Narito po ako." Bakit kailangan mo itong sabihin pag nagtagpo kayo ng Diyos
Maaring sa buhay mo ay meron kang hinahangaan o iniidolo na tao. Maaaring sya ay politiko, basketball player, magaling na singer, o kaya magaling na artista. Maaaring pag nakikipagkwentuhan ka ay marami kang nasasabi patungkol sa kanya, pag may kwentuhan ay hindi mo sya maiwasan na hindi banggitin na parang kilalangkilala mo talaga sya. Maaaring may picture ka kasama sya at may autograph din siya sa gamit mo. Pero ang tanong ay kilalang kilala mo ba sya talaga? Kilala mo ba sya ng mas malalim at personal? Kilala mo ba ang kanilang asawa at mga anak. Alam mo ba ang mga bagay na gustong gusto nyang ginagawa? Marahil ang sagot mo ay hindi.
In the same way maaring sinasabi mo kilala ko ang Diyos. Kasi naririnig mo sa preaching at nakakapanood ka ng wotg messages sa social media. Kaya lang ang tanong ay kilala mo ba sya personally? Kaibigan Nagkaron ka na ba ng malalim na pagkatagpo sa Diyos o encounter? Kaibigan kailangan mo makilala ang Diyos ng mas malalim upang magkaron ng pagbabago sayong buhay. Ang pagkakaron ng encounter sa Diyos ay hindi mo makukuha sa pagiging fan o pagidolize sa Diyos. Hindi mo sya makikilala sa pamamagitan ng iyong pagmamasid mula sa malayo. Ang pagkatagpo sa Diyos ay hindi patungkol sa emosyon na naramadaman mo nung nakapakinig ka ng mensahe patungkol sa Kanya.
Show More
Kung hindi Ang encounter sa buhay na Diyos ay pagkakaron mo ng totoong relasyon sa Panginoong Hesus. Ang totoong relasyon na ito ay hindi lang nagbibigay ng kasabikan na makausap Siya kung hindi nagbibigay ng bagong pananaw patungkol sa Kanya. Habang lumalalim ang pagkakilala mo sa Kanya sa personal na level ay mas lumalalim ang pagkaintindi mo ng pangangailangan mo sa Kanya. At habang narerealize mo ito ay nakikita mo din ang layunin Niya para sa iyo at para sa ibang tao.
Kaya nga marahil magtataka ka kung bakit matagal mo ng sinasama sa church ang iyong asawa, anak o kaibigan pero wala kang nakikitang pagbabago sa kanila.
O kaya ikaw mismo tinatanung mo bakit kaya ang hirap











