NATAPOS ANG LAHAT NANG DI NAGKAROON NG TAYO | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Natapos ang lahat
ng hindi nagkaroon ng Tayo
By: Julah Salomon
VOICE: MERCY BLESS
yung sa umpisa akala mo mahal ka niya,
ngayon isa ka na lang alaala sa kaniya?
Show More
hindi na ata pwede ang mga katagang
"sana kapag pwede na, pwede pa"
dahil hindi pa man nagsisimula ay natapos na.
yung kinatatakutang kong masira at mawala
ngayon ay naglaho na.
sa tingin ko mali ang desisyon ko,
sabi mo naman kasi walang magbabago.
nakakatuwang malaman
na hindi magbabago ang pakikitungo natin sa isa't isa,
pero doon din naman pala papunta
matatapos ang pinagsamahan na hindi naging tayong dalawa.
aaminin kong kinikwestiyon ko ang aking sarili
tinatanong kung saan ako nagkulang o nagkamali.
pero diba dapat ikaw ang sinisisi at nahihirapan ng ganito
kasi ikaw naman yung biglang pumasok at nanggulo sa buhay ko
Music Produce by : https://youtu.be/kCzFkjSaylA











