NGITI | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
"NGITI"
by: Ian joshua Ejar
Produced by: MERCY BLESS
Simula nang ikaw ay aking makilala,
halos 'di maipaliwanag ang saya na aking nadarama.
Ngiti sa mga labi ay 'di na mabura,
hiling ko sana'y mapakinggan ng mga tala.
Alam kong may dahilan kung bakit ibinigay ka sa akin ng tadhana
sana ma'y 'di ka maging dahilan ng pagpatak ng aking mga luha.
Ayaw ko nang mawala ka pa
dahil ikaw yung tahanang kay tagal kong binuo.
Ikaw yung pahinga ko sa
mga sandaling 'di na kaya ng puso ko.
Sa mga panahong nais ko nang sumuko at bitawan na ang mga pagsubok na kinakaharap ko.
Pero na pagtanto ko paano kung susuko ako paano yung pagibig na kay tagal kung
binuo,paano yong tahanang puno ng saya na binuo nating magkasama.
Ang pag-ibig mo ang tanging sandatang pinanghahawakan upang sabayan itong agos ng
buhay.
ikaw ang nagsilbing inspirasyon na harapin ang hinaharap sa kasalukuyan.
Ikaw lang 'yong taong kailan ma'y 'di ko sasaktan,
dahil sayo ko nahanap ang pag-ibig na matagal ko nang nais matagpuan
pag-ibig na maraming dahilan upang ika'y aking ipaglaban.
Dahil sa panahong ito ikaw yung taong nais ko ay magpakailanman.
Sanama'y 'di magbago itong pagmamahalan nating dalawa sana di mag wakas ang
magagandang kwento sa pahina ng librong binuo ko na kasama ka.
Kahit ako'y untiunti nang naubos at nawawala pinipilit ko paring bumalik
Pinilit ko paring manatili sayo,
sa kanlungang kalmado yung puso ko.
May katapusan man 'tong tulang aking nilikha
pero hinding,hindi magtatapos ang pagmamahal sayo mahal ko.











