ORAS MO'Y KAILANGAN KO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
"ORAS MO'Y KAILANGAN KO"
By:Ian Joshua Ejar
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pagkakaibigan,kung saan ako'y nahulog ng
dahandahan sa iyong mga ngiting nagbibigay ng kalakasan.
Hindi naman ako umasa na ang paghanga ko sayo ay mapupunta sa tunay na pag-iibigan at at
lubosang pagmamahalan.
Doon ko unang napagtanto ang Isang bagay na nais kong may roong ikaw na nandyan sa tabi
ko sa mga panahong kailangan ng masasandalan ng puso ko.
Ngunit sa sandaling panahon na ako sayo'y nananatili unti unti ko nang nararamdaman na
parang wala ng saysay itong ating pagmamahalan habang ako'y nakatitig sa kamay ng orasan.
Yung oras na tangi Kong hinihiling na sana ako'y kakausapin mo, ngunit aking nagpatanto ko na
parang balewala lang ako na naghihintay sayo.
Hindi ko naman ninanais na ang oras mo ay ibigay mo sa akin ng buo,ang saakin lang, sana
naisip mo na kailangan rin kita at ngayon ako'y nasasaktan na ng sobra.
Kaya mas mabuti nang dumistansya upang puso'y maging malaya.











