Oras ng Pag-aaral | 4th Quarter | Ang Mga Apoy Ng Impierno | Lesson 10
Click the link to SUBSCRIBE
https://www.youtube.com/c/HopeChannelPhilippinesofficial?sub_confirmation=1
by Don Leo M. Garilva, DMin
Translated to Tagalog Version by Henry R. Gubaton
Show More
ANG MGA APOY NG IMPYERNO
TALATANG SAULUHIN
“kundi subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo ang mabuti..”
1 Thessalonians 5:21, NKJV
PANIMULA:
Sa linggong ito, ating PAPAG-ARALAN ang ilan sa mga TEORYA NA WALA SA BIBLIYA tulad ng “HINDI NAMAMATAY NA MGA UOD,” “APOY NG IMPYERNO”, “ANG MGA BANAL SA PURGATORYO,” and “ISANG PARAISONG MAY MGA KALULUWANG WALANG KATAWAN.” Pati na rin ang PANANAW NG BIBLIYA kung ano ang NANGYAYARI sa TAO matapos MAMATAY.
1 MGA WALANG KAMATAYANG UOD AT ANG WALANG HANGGANG APOY (LINGGO AT LUNES)
Papaano natin MAUUNAWAAN ang KATAGANG “ang kanilang mga uod ay hindi namamatay” in MRK. 9:48, NKJV? Sinipi ni JESUS ang ISA. 66:24, na mababasa na, “ ‘. . ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa lahat ng laman.” (NIV). Ang nakatatakot na matalinhagang TANAWING ito ay naglalarawan ng isang LABANAN na kung saan ang mga kaaway ng Diyos ay PATAY na sa lupa at ang kanilang KATAWAN una ay KINAIN NG MGA UOD at pagkatapos tinupok ng APOY. Ngunit WALANG ANUMANG TINUTUKOY na KALULUWANG nakatakas sa PAGKAWASAK ng KATAWAN at LUMILIPAD patungo sa IMPYERNO. Ang matalinhagang PANANALITA ng ISA. 66:24 ay HINDI TUMUTUKOY sa mga UOD na HINDI NAMAMATAY. Ang PAGDIRIIN ay ang mga UOD ay nagpapatuloy silang KINAKAIN ang KATAWAN ng mga MAKASALANAN hanggang ang mga katawan ay LUBUSANG MAWASAK.
Paanong ang mga TALATANG ito MAL. 4:1 at JUDAS 7, ay nakatutulong na mas mabuti nating MAUNAWAAN ang isipan tungkol sa “WALANG HANGGANG APOY”? O ang ideya gaya ng sinabi ni JESUS, na ang mga nawaglit ay pupunta sa “WALANG HANGGANG APOY” (MATT. 18:8)? Ang salitang “WALANG HANGGAN” (Hebrew ‘OLAM; Greek AIONIOS) ay mayroong MAGKAIBANG KAHULUGAN, depende sa MALAPIT NA KONTEKSTO. Kapag ito’y nakaugnay sa Diyos











