ORASAN | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
"Orasan"
Isinulat ni:Ian Joshua Ejar
Nagsimula ito sa simpleng paghanga
dahil sa isang taong pumukaw sa puso kong matagal nang namahinga.
Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman sa tuwing siya'y na sa aking harapan.
Hanggang sa nalaman ko na ako'y nahulog na pala ng dahandahan.
Nakahit magkaiba man mundong aming ginagalawan tanging siya parin ang nilalaman ng aking
puso't isipan.
Isang taong bumago ng pagikot ng mundo ko at ng aking orasan
walang ibang hiling kung 'di ang manatili sa tabi at nang makasama siya hanggang dulo.
Alam kong minsan ay nakakasakal rin
alam kong ito'y mahirap at sa huli ay masasaktan at masusugatan lang.
Na kahit sinasabi nila na tama na
sa pagsambit ng mga Kaibigan ko na tigilan ko na siya
pero nanatili ako sa isang dahilan na nais ko siyang ipaglaban.
Dahil alam kong ligtas ako sa taong minsan nang nagpakalma ng nalilito kong puso.
Ayaw kong magwakas ang lahat na hindi ko siya kasama dahil minsan ko nang sinabi sa sarili
ko siya'y aking ipapanalo.











