OVERREACTION! 5 Paraan para ito mapagtagumpayan


Naranasan mo na ba magoverreact sa mga sitwasyon? Tapos iniiisip mo na sana hindi mo nalang nasabi o nagawa ang isang bagay. Alam mo ba na sa tahanan natin, sa trabaho, at kahit nga sa church ay ang overreaction ay isang seryosong problema? Ito ang pinagmumulan ng matinding conflict na sumisira sa mga relasyon. Maraming marriages ang nasisira at ang dahilan ay dahil lamang sa overreaction. Nakakalungkot kasi hindi naman ito ang gustong buhay para sa atin ng Diyos. Kaya lamang ay lahat tayo ay may tendency na magover-react talaga at isa na ako don.

Maaring nagover-react ka dahil hindi ikaw ang napili sa isang audition, tapos nagalit ka at iniisip mo na hindi patas ang pagpili o merong sabwatan, o kaya may nagcut sayong sasakyan tapos ikaw naman ay iniisip mo na pinipersonal ka ng driver nung sasakyan, o kaya naman pagpasok mo sa isang fastfood chain o mall tapos may nagtatawanan na grupo ng mga tao at parang nakatingin sila sayo kaya ngayun ay nagoverreact ka na dahil akala mo ikaw ang kanilang pinagtatawanan, o kaya may nakita kang post sa facebook bagamat wala namang pangalan na binabanggit doon ay iniisip mo na para sayo ang parinig na iyun kaya hindi ka makatulog at galit na galit. O kaya naman ay may nagtext sayo na nagtatanong lang tapos binigyan mo na ng kahulugan na nagrereklamo ang taong iyun sayo. Kaibigan alam mo ba na kadalasan yung iniisip natin laban sa isang tao ay hindi naman totoo. Tapos sa halip na walang issue sana ay nagkakaron tuloy ng issue at ang masakit pa nito ay lumalaki pa at pag nagtagal ay nagkakaron ng kampikampi o dibisyon sa mga taong nakapaligid sa inyo.

Show More

Narealized ko na kapag tayo ay nasasaktan, natatakot, o napapahiya ay nago-overreact tayo. Nakikita sa atin ang galit na reaction at sobrang defensive. Alam mo itong mga ganitong klaseng reactions ang nagiging dahilan para hindi makakilos sa buhay mo ang Diyos. Ito ang nagiging dahilan para maging katitisuran ka sa iba. Ito din ang dahilan kung bakit nasisira ang iyung leadership.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press