PAALAM HINDI NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
"Paalam Hindi Na"
By: Jheremie Trazo
Gusto kita
Alam kong alam mo na
At kahit na hindi ako
Ang taong gusto mo
Hindi ko parin magawang pilitin
Na ang puso ay tuluyan kang limutin
Dahil marami ng ala-ala ang nabuo
Gusto ko mang ang nadarama ay maglaho
Ngunit ayaw pa ng puso
Nakakapagod na
Nagmumukha nakong tanga
Wala ng magagawa
Maghihintay na lang sa panahon
Na mapagod ang puso na gustuhin ka
Na mapagod ang pusong hanapin ka
At sana ang araw na iyan ay bukas
Dahil masyado ng masakit
Masyado nakong nasaktan
Masyado nakong pagod
Tanging ang bulag sa pag ibig
na puso na lamang
Ang pinipilit na lumaban
Kaya paalam
Hindi ko na ipipilit ang sarili sayo
Hindi na kita pipiliting magustuhan ang tulad ko
Hindi ko na ipipilit yung salitang tayo
Hindi na
Hindi na kita pipilitin sa bagay na hindi mo ikasasaya
Hahayaan na lang kita
Hahayaan na kitang maging masaya kahit hindi na sakin
Kahit dahil na sa iba











