Paano babangon mula sa sakit na dulot ng rejection
Nasubukan mo na bang ma-reject o tanggihan sa kahit anong paraan? Marahil isa sa mga kinakatakutan natin sa buhay ay ang maranasan na ma-reject. Bakit? Kasi ito ang kabaligtaran ng minamahal at tinatanggap. Kapag ikaw ay nire-reject ay alam mo na hindi ka mahal o ayaw sayo ng isang tao.
Maaaring may nagsabi sayo na hindi ka matangkad ayoko sayo, hindi ka maganda o hindi ka kagwapuhan hindi ka pwede matanggap dito, naku maitim ka hindi bagay sa akin, sorry hindi ka matalino kaya hindi ka bagay sa aming eskwelahan. O kaya sinabi sayo masyado ka pang bata o kaya masyado ka ng matanda kaya ayaw nila sayo. O kaya sabi sayo hindi ka marunong magsalita ng english kaya hindi ka pwedeng maging leader, o kaya may nagsabi sayo ng hindi ka marunong magdala ng iyung sarili, o ayoko ng background mo nakakatakot ang pinanggalingan mo hindi ka bagay sa pamilya namin o kaya sabi sayo hindi kita matatanggap kasi wala ka ng pera ang sakit diba.
Show More
O kaya naranasan muna na may nagsabi sayo na hindi na kita mahal, hindi ko na kaya makisama sayo, o kaya hindi ka na pwedeng maging dgroup leader o pastor kasi kailangan namin ng magaling at nakatapos ng theological school, o kaya may nagsabi sayo na hindi ka pwedeng sumama sa group namin kasi magagaling na kami maiiwanan ka lang, o kaya sabi ng banko na inuutangan mo na hindi ka nila pwedeng pautangin, o kaya sabi ng boss mo na mas pinili nya ipromote ang kasama mo dahil hindi mo nameet ang kanilang requirement, o kaya binasted ka ng nililigawan mo o kaya nagproprose ka ng marriage sa minamahal pero tumanggi syang pakasal sayo. Ang sakit diba?
Tapos hindi lang yun Ang sakit ng loob na madadama natin tuwing tayo ay narereject ay malalim ang sugat at nakakalason. Ang epekto nito sa atin ay malakas ang kapit at nagreresulta kadalasan para saktan natin ang ating sarili o kaya ibaling natin sa iba at saktan ang ibang tao.
Kaya nga ito yung paguusapan natin kung paano natin mapapagtagumpayan ang sakit na dulot ng rejection. Tapusin mo ang











