Paano bubuo ng planong maghahatid sa Tagumpay


Paano bubuo ng planong maghahatid sa Tagumpay

Paano nga ba tayo bubuo ng epektibong plano para makapunta tayo mula sa point a ng buhay natin papunta sa point b. Halimbawa gusto mong dalin ang isang area ng iyung buhay sa mas mataas na antas.

Show More

Pwedeng ito ay pagpapaunlad ng iyung marriage. Gusto mo na mas lalong lumalim ang pagmamahalan ninyong magasawa. Maaaring itong taon na ito ay nasubukan ang inyong marriage at gusto nyo na itong darating na taon ay mas umigting pa ang inyong pagmamahalan. Pwede din na gusto mong makarating ang iyung finance sa susunod na level. Maaaring itong taon na ito ay nabaon ka sa utang pero gusto mo next year ay matapos mo na ito so nagpaplano ka kung paano mo ito mapagtatagumpayan next year. Maaring gusto mo ding magtagumpay sa area ng iyung trabaho, ministry, spiritual na paglago, o kaya sa area ng kalusugan. Nagpaplano ka lumago sa isang balanced na lifestyle o kaya nagpaplano ka sa paglago ng iyung relasyon sa Diyos at marami pang iba kaya lang ay hindi mo alam kung tama ba ang mga hakbangin na pinaplano mo.

Alam mo kaibigan gusto kitang i-congratulate kasi isa kang taong may wisdom. Ang mga taong marunung kasi ay sila yung nakakaalam na meron ang Diyos na nais magawa sa kanilang buhay at dahil alam nila ito ay gumagawa na sila ng plano at aksyon papunta sa destinasyon na layunin ng Diyos.

Narealize ko na merong purpose ang Diyos sa ating lahat. At ang malaman ito at matupad sa ating buhay ay ang magbibigay ng meaning sa atin. Ito din ang magbibigay ng sense of direction and fulfillment.

Nakakalungkot kasi maraming tao ang hindi nagpaplano para sa kanilang buhay. Dumadaan ang buhay pero wala silang malinaw na picture ng kung ano ang gusto ng Diyos para sa buhay nila. Wala silang idea sa destinasyon na hinanda para sa kanila ng Diyos. Para itong kwento ni Albert Einstein.

Na minsan sumakay sa bus. Kaya lang nawala nya ang kanyang ticket. Nung pinuntahan sya ng kundoktor ay sinabi sa kanya na wag na magalala kasi kilala naman

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press