Paano dadami at magiging epektibo ang iyung INFLUENCE
Nagtataka ka ba kung bakit may mga mananampalataya ng Panginoong Hesus na nagkakaron ng maraming bunga at pagbabago sa buhay at meron namang nananatili sa kanyang lifestyle at hindi nagkaron ng pagbabago. May magkaibigan si Pedro at si Juan Parehas silang tumanggap sa mabuting balita ng kaligtasan at sabay na nagwoworship pag Sunday kaya lang ay magkaiba ang kanilang naging buhay. Si Pedro ay lumago sa kanyang relasyon sa asawa at mga anak. Nagabayan niya ang kanyang mga anak at asawa upang makilala at lumago din sila sa relasyon sa Diyos. Naging leader na din sya ng isang discipleship group, yung kanyang mga anak ay aktibong kasama na din sa mga kabataan na nagpapalago sa pagkakilala sa Diyos. Silang magasawa ay naging magandang influence din sa kanilang mga magulang, kapatid at kamaganak. Maraming mga kamaganak nila ang nakakilala sa Panginoon. Naging mabuting influence din si Pedro sa kanyang trabaho. Ginagalang at kino-consider ang mga suggestion nya. Kapag merong may problema sa kasamahan ay siya ang nilalapitan para humingi ng payo kasi nae-encourage sila sa buhay nya at sa mga payo nya patungkol sa Diyos. Nae-encourage sila kasi mapagmahal na katrabaho, submissive sa authority at masipag. Tahimik walang kaaway at puro positive ang influence na pinapakita nya, Siya ay pinagkakatiwalaan ng management at itinaas sa mas mataas na posisyon. At ang pinakamahalaga ay nakikita sa buhay Niya ang kapangyarihan at pagkilos ng Diyos dahil sa pagbabago ng kanyang buhay.
Samantalang si Juan ay walang masyadong pagbabago maliban sa nagpapakita sa church pag Sunday. Problematic pa din ang relasyon nilang magasawa. Palaging may conflict kasi hindi pa rin maiwasan ang bisyo, walang pangarap sa buhay, walang ginagawa na consistent arawaraw para palaguin ang relasyon niya sa Diyos. Wala ding desire na palaguin ang asawa sa Panginoon at walang desire na palaguin ang mga anak sa Panginoon. Hindi sya naging spiritual leader sa family. Problematic din sa trabaho, tamad at











