Paano Haharapin Ang Takot sa Katotohanan ng Kamatayan


Takot Ka Bang Mamatay? Hindi ito madalas pag-usapan sa mga handaan sa trabaho o sa bahay. Hindi rin ito sinasama sa mga plano sa buhay. At kung puwede lang, sana may “snooze” button din para sa kamatayan no - ang ganda sana - snooze 5 years more delay lang muna natin ang kamatayan. Pero sa totoo lang walang ganun, lahat tayo haharap dito, sooner or later.

Kahit si Steve Jobs — ang utak sa likod ng Apple, isa sa pinakamatalinong innovator ng panahon natin — umamin siya na may takot siya sa kamatayan. Sa kabila ng kanyang kayamanan, at talino, sinabi niyang hindi siya sigurado kung ano ang naghihintay pagkatapos ng buhay. Tinawag niya ang kamatayan na “life’s change agent,” pero kahit gano’n, may kaba pa rin sa puso niya.

Show More

Isipin mo 'yon — isang tao na kayang baguhin ang technology ng mundo, pero hindi niya kayang harapin nang buo ang katotohanan ng kamatayan.

Ibig sabihin, hindi sapat ang tagumpay, katalinuhan, o kahit pagiging relihiyoso para mawala ang takot sa dulo ng buhay natin. Dahil ang totoong tanong ay hindi lang “kailan tayo mamamatay?” kundi “paano natin ito haharapin?”

Kaibigan, baka matagal mo nang iniiwasan ang tanong na ‘yan. Baka tahimik mong dinadala ang takot sa puso mo. Pero ngayong sandali na ito — nais ng Diyos na marinig mo ang katotohanan.

Puwede palang harapin ang kamatayan nang walang takot. At kapag nalampasan mo ‘yon — kapag napalitan ang takot ng tiwala — magkakaroon ka ng mas maliwanag na pananaw sa buhay, mas malalim na kapayapaan, at bagong layunin kung bakit ka pa humihinga ngayon.

Ito na ang Part 3 ng ating message series na Make Room. At ang title natin ngayong linggo: ay “How to Face Death Without Fear”
Dahil sa harap ng pinakamalaking problema ng tao — may sagot ang Diyos para hindi tayo matakot sa kamatayan. At gusto Niya na marinig mo ito ngayon.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Receive Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA
Join our Online Discipleship Group, register

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press