Paano Ihahanda ang Puso sa Pasko
Taon-taon, lagi akong nagugulat sa kung gaano karaming oras at pera at lakas ang ginugugol sa paghahanda para sa Pasko. Napakaraming gagawin... at sa huli, pag iisipin mo iilan lang talaga ang mahalaga.
Ang nakakalungkot ay dahil malapit na ang Pasko, maaaring mas maramdaman mo ang pagkataranta sa iyong mga kailangang gawin kaysa pagkamangha sa ginawa para sa atin ng Panginoong Hesus.
Show More
Lingolingo dumadagsa ang mga mamimili na nagsisikap makumpleto ang lahat sa kanilang listahan ng bibilin para sa personal at mga reregaluhan.
Tapos abalang abala din tayo sa paglagay ng dekorasyon sa bahay. Marami ang todo-bigay dito. Naglalagay sila ng mga ilaw at parol ng Pasko, naglalagay ng Santa at ang kanyang mga reindeer sa bubong, mga snowman sa kanilang garden at iba pa.
Maaari tayong busyng busy sa Pasko ngunit ang ating mga puso'y malayo kay Kristo.
Umaasa tayo sa bonus at iba pang posibleng kita ngunit hindi sa pagkakaroon ng lumalagong personal na relasyon sa Diyos ngayong Pasko. Minsan ay dahil sa sobrang abala tayo sa pagmamadali sa holiday napapabayaan na natin ang pinakamahalaga: Ano yun? ang paghahanda ng ating mga puso para sa Panginoong Hesus.
Nakakalungkot na pinagbabawal ng mga tao ngayon ang anumang pagbanggit sa Panginoong Jesus. Ang gusto nila ay gawing hindi na “holy” ang “day” kundi isang holiday na lang.
Inalis nila ang pangalan ng Panginoong Hesus sa holiday at pinalitan ito ng letrang "X," at Ang "Merry Christmas," ay pinalitan na ng bating "Happy Holiday."
Hindi na tungkol sa Panginoong Hesus ang Pasko. Kung hindi tungkol na ito sa atin. Tapos ito ay naging patungkol na sa Pasko. Pinapakinggan natin ang mga kantang Pasko na pumupuno sa mga shopping malls at supermarkets, o tumutugtog sa radyo at social media mula umaga hanggang gabi. Tungkol ang mga ito sa Pasko—ang diwa ng Pasko, ang liwanag ng Pasko, ang init ng Pasko, ang kapayapaan ng Pasko, ang pag-ibig ng Pasko. Kaya lang problema ay gusto nilang paniwalaan natin na ang mismong araw ay











