Paano ka magiging blessing sa iba
Natatanung mo ba sa sarili kung ano talaga ang purpose ng Diyos sayong buhay? O marahil gusto mo makaramdam ng importansya dito sa mundong ito pero hindi mo alam kung paano ito gagawin.
Kaibigan ito ang nais ng Diyos. gusto ng Diyos na pagpalain Niya ang Kanyang mga anak. At ito ay gagawin Niya hindi sa pamamagitan ng mga anghel kung hindi sa pamamagitan mo. Gusto ka Niyang maging kamay, at bibig dito sa mundo. Ang dahilan kung bakit ka pa may buhay ngayun ay para bigyan ka ng pagkakataon na isuko mo ang iyung buhay sa Panginoong Hesus.
Show More
Gusto ka Niyang magkaron ng relasyon sa Kanya, patawarin ang iyung mga kasalanan, maging kabilang sa Kanyang kaharian, bigyan ng kakayahang espiritwal, pagpalain sa lahat ng area ng buhay mo upang maging pagpapala ka din naman sa iba. At kapag hindi mo ito natutupad sayong buhay ay sinasayang mo ito.
Sabi ni R.C. Sproul “One of the worst things we can ever do is to waste the gifts that God has given to us.”
Narealized ko na kailangan nating magkaron ng bagong pananaw patungkol sa pagpapala na binigay sa atin ng Diyos gaya ng oras, kakayahan at pananalapi. Kailangan natin huminto sa pagiisip na gamitin lang ang mga blessing na ito sa pansariling kaginhawaan at kalayawan kung hindi nakatuon tayo sa pagpapalaganap ng kaharian ng Diyos na magbibigay ng kaluwalhatian sa Kanya.
Ang ibig sabihin ay ang dahilan kung bakit ka tutulung sa nangangailangan o magbe-bless ng iba ay hindi lang dahil sa naawa ka sa kanila kung hindi dahil ikaw ay kinaawaan ng Diyos, pinatawad at pinagpala kaya ngayun ay ikaw naman ay nagpapakita din ng kaawaan sa iba.
Narealized mo na hindi ka din karapatdapat kaawaan pero kinaawaan ka ng Diyos para iligtas. At ngayung ligtas ka na at kabilang na sa Kanyang kaharian ay sinasabi mo sa Kanya na Lord pinagpala mo ako at niligtas kaya gamitin mo ang aking buhay para magpala at magligtas din sa iba.
Alam mo naiisip ko tuloy kung anong ginto o reward o pagpapala ang hindi mo natatanggap dahil hindi ka nagkakaron











