Paano magkakaron ng kapayapaan sa mga bagay na hindi mababago
Humiling ka na ba sa Diyos ng paulitulit na baguhin Niya ang sitwasyon mo? Marahil Matagal na panahon ka ng nananatili sa ganitong sirkumstansya at nabibigatan ka na at napapagod.
Maaaring isa itong karamdaman, lumalamig na marriage, isang deal na nalugi pero wala kang magawa kasi nakapirma ka na, maaring yung asawa mo ay hanggang ngayun ay hindi pa din nagbabago paulitulit kang niloloko, o may ugali sya na talaga namang nahihirapan ka na pakisamahan, o kaya may problema ka sa iyung kasamahan sa trabaho, o kaya may kamaganak ka na palagi ka inuutangan kahit na nga ikaw ay may pangangailangan din, o kaya naman yung tatay mo ay merong ugali o ginagawa na talaga namang nagpapasakit ng iyung kalooban.
Show More
Kaibigan napakaraming bagay sa ating buhay na hinihiling mo sa Diyos na sana magbago. Tama ba? Kaya lang ito ang problema. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay binabago ng Diyos ang sitwasyon. Hindi lahat ng hinihingi natin ay binibigay.
Maraming bagay sa mundong ito na hindi mo mababago. Kahit anong pagsisikap mo sa sarili mong lakas na baguhin. Hindi mo mababago ang taong ayaw magbago, hindi mo mababago ang isang organisasyon na ayaw umamin ng mali, hindi mo mababago ang katotohanan na pumanaw na ang mahal mo sa buhay, hindi mo mababago ang mga namumuno sa isang kumpanya, gobyerno, o simbahan,
Kaya ang epekto sa atin ay nawawalan tayo ng kapayapaan. Ninanakaw nito ang ating kaligayahan. Nawawalan na din tayo ng joy sa buhay. Lalo na pag naaalala mo yung naging desisyon mo in the past na mali gaya ng panloloko at pakikipaghiwalay sa iyung asawa, tapos nagsisisi ka at gusto mo itong mabago kaya lang huli na ang lahat, at ang alaala nito ay hindi ka tinitigilan, sinusundan ka hanggang pagtulog kaya wala kang peace at joy. Kaya ang pinakaworst na epekto sayo ng mga sirkumstansya na hindi mo mabago sayong buhay ay kawalan ng gana na bumangon at magtuloy sa buhay. Puro negative ang tingin mo sa mga sitwasyon at nahihirapan ka ng magtiwala hindi lang sa mga tao kung hindi pati











