Paano Magmahal Kahit Hindi mo Feel: True Love Part 2


Marahil marami kang naiisip na mga taong napakahirap mahalin. Napakarami nito sa imperpektong mundo na puno ng imperpektong tao at kasalanan. Maaring ang taong hindi mo feel mahalin ay ang kasama mo sa trabaho na talagang matigas ang ulo, maaaring ang in-laws mo na palaging pinupuna ang ginagawa mo sa iyong pamilya, maaring ang anak mo na palasagot at tamad, maaring siya ay kasamahan mo sa ministry na mahirap sawayin dahil sensitive at ayaw tumanggap ng pagkakamali, o kaya yung kapatid mong mas matanda sayo na gustong patakbuhin ang buhay mo, o kaya ang boss mo na masakit magsalita at hindi naaapreciate ang mga ginagawa mo, o kaya nahihirapan ka mahalin ang kaibigan mo na mabait kapag kaharap ka pero maraming sinasabi sayo pag nakatalikod, o kaya yung taong pinapatamaan ka sa facebook palagi sa halip na kausapin ka ng diretso, o kaya ang mga corrupt na tao sa gobyerno o kaya kasama sa ministry na ayaw magsubmit sa leadership at marami pang iba. So ang tanong ay ano ang gagawin natin sa kanila? Arawaraw naman ay marami tayong maeencounter na mga ganitong tao? Alam mo ang natural na reaction natin ay tumakbo palayo sa kanila, wag nalang pansinin, at putulin na ang relasyon. Kaya lang kung ikaw ay nagsasabing mananampalataya ng Panginoong Hesus ay itanong mo ito sa sarili. Nakakalugod ba sa Diyos ang magiging reaksyon ko sa taong iniiwasan ko?

Ito yung paguusapn natin ngayun bilang continuation nung True Love na pinagusapan natin last week. Kung hindi mo pa pinanood yung unang part ay ine-encourage kita na panoorin ito. Pinagusapan natin doon yung ibatibang katangian ng tunay na pagmamahal. At ngayun naman ay paguusapan natin kung bakit kailangang magmahal, sinosino ba ang taong mamahalin mo, at kung anoano ang mga praktikal na paraan para maipakita ang pagmamahal sa iba. Tapusin mo ang message na ito upang maimprove, at marestore ang iyong mga relationships. Dalangin ko na pagtapos ng message na ito ay magkaakron ka na ng desire na gumawa ng hakbang upang magamot

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press