PAANO MAG IPON NG PERA Kahit Maliit ang Kita? (Ipon Tips)

842,231 views,

WEALTHY MIND PINOY

849,000 views

Gusto mo bang malaman kung paano makaipon kahit maliit lang ang iyong income?
Madalas mo rin bang tinatanong ito sa iyong sarili, pero hindi mo alam kung paano at saan magsimula?
Tamang-tama dahil yan ang tatalakayin natin ngayon.

Sa iyong palagay, magkano kaya ang sapat na income para mamuhay ng komportable dito sa Pilipinas? Ang ibig kung sabihin sa pamumuhay ng komportable ay yung meron kang time para mag-enjoy, nababayaran mo on time ang iyong bills, nabibili mo lahat ng kailangan mo, meron kang ipon, at nakakatulog ka ng maayos gabi-gabi, dahil wala kang iniisip na mga bayarin.

Walang specific na sagot sa tanong na ito dahil magkaiba tayo ng sitwasyon.
Yung iba ay meron ng pamilyang binubuhay. Samantalang yung iba naman, ay nagsisimula palang magtrabaho. Sa ibang salita, magkaiba tayo ng mga gastusin dahil magkaiba tayo ng priority.

Pero kahit marami tayong pinagkaiba, makikita natin na karamihan sa ating mga pinoy ay magkapareho ng problema sa pera. At ang problema na yun, ay ang kawalan ng ipon.
Common na problema ito ng lahat. Kahit mga taong kumikita ng malaki ay nahihirapang mag-ipon.

Ayun sa ibinahaging data ng Department of Labor and Employment. Ang minimum na sahod ng mga pinoy sa taong 2023, ay 610 pesos per day. Ibig sabihin, ang estimated monthly income ng mga kababayan nating nagtatrabaho, ay 12,000 pesos kung nagtatrabaho sila ng limang araw sa isang lingo at hindi bayad ang kanilang mga day-off. At 18,000 pesos naman kung sakaling bayad sila sa loob ng isang buwan.

Kung nahihirapan karing mag-ipon ngayon, at naghahanap ka ng solusyon sa iyong problema, inaanyayahan kitang mag-invest ng iyong oras sa panunuod ng videong ito. Dahil ibabahagi ko sayo ang mga paraan o strategies na pwede mong gawin, para makaipon kana ng pera at para narin malayo ka sa mga financial stress.

Ang videong ito ay nahahati sa tatlong parte.
Ang part one ay tungkol sa ating income. Kung ano ang dapat gawin para lumaki ito.
Ang part two ay tungkol sa ating ugali at mindset sa pera. Kung bakit mahalaga itong ayusin.
At ang part 3 ay tungkol sa pag-iinvest. Hindi lang sapat na meron kang malaking income, dapat ay meron karing investment.
Kaya seguradohin mo na mapanuod mo ang buong video at malista ang mga mahahalagang aral.

CONTACT US;
EMAIL: wealthymind07@gmail.com

FOLLOW US;
Instagram: www.instagram.com/wealthymindpinoy/
Facebook: fb.me/WealthyMindPinoyOfficial
TikTok: vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/

#ipontips
#Howtosavemoney
#WEALTHYMINDPINOY

Related Videos

 /