Paano makakabangon sa kabiguan sa tulong ng Diyos


Ang mensahe na ito ay hindi para sa mga perpektong tao. Kung ikaw ay perpektong Kristiano na then pwedeng hindi mo na panoorin ang mensahe na ito kasi ang mensahe na ito ay para sa mga taong honest na umaamin na sila ay may struggles sa buhay at nahuhulog din sa kasalanan na gaya ko. Ang mensahe na ito ay para sa mga ordinaryong tao na nakakaranas ng kabiguan at pagkakamali. At na-realize niya na wala siyang magagawa kung hiwalay siya sa Diyos.

Kaibigan tandaan natin na ang mabuting balita ng kaligtasan ay hindi para sa mga banal kung hindi para sa mga makasalanan. Kaya nga ang Panginoong Hesus ay nagkatawang tao at pumunta dito sa lupa para gamutin ang mga maysakit at hindi doon sa mga taong hindi na nangangailangan ng kagalingan. Ang mensahe na ito ay para sa mga taong nagsisikap na gawin ang kanyang best para sumunod sa Diyos kaya lang siya ay nadapa pa din.

Show More

Para ito sa isang

campus missionary na ang intensyon ay sumunod sa Diyos kaya isang araw ay nakita niya ang sarili na lasing at nasangkot sa isang casual sex

Para ito sa isang pastor na maaaring nakapagsinungaling sa kanilang meeting kasama ang mga elders nito. Para ito sa dgroup leader na hindi nagpakita ng mabuting halimbawa sa kanyang mga miyembro o kaya Para ito sa isang magulang na ginawa ang lahat ng makakaya niya para dalhin ang kanyang mga anak sa Diyos pero parang hindi nangyayari ang inaasahan niya, para din ito sa mga Kristiano na sinisikap na isabuhay kung ano man ang kanilang natututunan sa Diyos kaya lang ay bumagsak sa isang pagsubok. Para ito sa mga tao na nahihirapang tuparin ang kanyang pinangako sa Diyos, para ito sa mag-asawa na nahihirapang ayusin ang kanilang relasyon, para ito sa isang tao na nahihirapang lumaya sa adiksyon o ano mang bad habits. Para ito sa mga kabataan na hindi mapahindian ang mga kaibigan na nagbibigay ng masamang impluwensya sa kanya, para din ito sa pamilya na may struggle sa pinansyal. Para ito sa mga OFW na pinaglalabanan yung hirap ng trabaho at hirap ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press