Paano makakasiguro kung ako ay anak ng Diyos
Minsan ba ay nagtatanong ka sa sarili kung ikaw ay anak ba talaga ng Diyos? At nababahala ka dahil hindi ka sigurado. Ayaw mo namang manghula, o kaya manggaling ang assurance na iyun sa hakahaka o galing sa sinabi ng ibang tao sayo. Gusto mo na ikaw talaga sa sarili mo ay malaman mo kung anak ka ba talaga ng Diyos. Alam mo dalangin ko na ikaw din ay nagnanasa na masigurado itong importanteng bagay na ito.
Alam mo ba na bagamat tayo ay mga nilikha lamang ng Diyos ay gustong gusto Niya tayong maging anak. Gusto Niya tayong ipanganak na muli hindi sa pisikal na paraan kung hindi ipapanganak tayo at magiging Tatay Natin Siya sa Espiritwal na paraan.
Kaibigan Hindi ko alam sayo pero ako ayokong manatiling nilalang lang ng Diyos kung hindi gusto ko ding maging anak Niya at makasigurado na makakasama ko Siya sa langit at magagawa ko din ang layunin Niya para sa akin dito sa lupa bilang Kanyang anak.
Show More
Kaya nga ang goal ko ngayun ay tulungan ka na malaman mo kung paano ka magiging anak ng Diyos, at kung iniisip mo naman na ikaw ay anak na ng Diyos ay gusto ko ding ipaalam sayo kung anoano ang mga evidensya na kailangan mong makita para masigurado mo na ikaw ay anak talaga ng Diyos.
Kasi mahirap naman kung tiwalang tiwala ka na ikaw ay anak ng Diyos kaya lang nung nawala ka na sa mundo ay saka mo palang nalaman na hindi pala. Tapos ang masaklap ay huli na ang lahat.
Kaya nga kaibigan Gusto ko na makatiyak ka na ng walang halong pagdududa at ng may buong kumpyansa at tapang na sabihin na ako ay anak ng Diyos. At hindi pag tinanong ka kung anak ka ba ng Diyos ay sasabihin mo aaah siguro, ahh sana all, aahh malamang kasi nakakapagsimba naman ako paminsan minsan. Kaibigan tapusin mo ang message na ito dahil gusto ko na makatiyak ka kung ikaw ba ay talagang anak ng Diyos o hindi. At magkaron ka din naman ng pagkakataon na maging totoong anak Niya kung sa tingin mo ay hindi mo nakikita ang mga ebidensya na paguusapan natin. Tapusin mo ang message na ito upang magkaron ka ng











