PAANO MAKIKITA ang ESPIRITU ng MAHAL MO sa BUHAY (Tagalog Vol. 15) LGL Inspirational
Maraming bagay ang nangyayari sa mundo na mahirap maintindihan at sa parehong dahilan, mahirap ipaliwanag. Isa na rito ang Mundo ng mga Espiritu. Ang karanasan ng mga Tao hinggil sa kanilang engkwentro sa mga espiritu. Ibat iba ang mga paraan ng pakikipagugnayan ng Tao at Espiritu. May nagsasabing nakaranas sila ng ganito o ganoon. May iba naman na nagsasabing naramdaman nila ang presensiya ng kaluluwa ng kanilang mga Mahal sa Buhay. Meron din naman na nagsabing indi lang nila naramdaman kung hindi nakita pa nila ang kanilang Espiritu. Susubukan ng Videong ito na bigyan ng linaw ang ilang mga katanungan ng maraming tao. Sanay makapagbigay ng kasagutan sa ilang mga tanong sa isip ninyo. Sa anumang pagkakataon na meron kayong pagaalinlangan, bumaling kaagad sa Diyos at sa Panalangin. Tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng kapayapaan sa ating puso at kapanatagan ng isip. L”CIE GOD’S LOVE 143











