Paano mo hahanapin ang kaligayahan sa Diyos


Meron ka bang bagay na gustong gustong ginagawa na hindi mo mabitawan dahil nagdudulot ito sa iyo ng kasiyahan. Halimbawa entertainment sa gabi na kahit wala ka ng pera ay ginagawan mo nalang sya ng paraan gaya ng pangungutang. At kahit alam mong nagdudulot ito ng problema sa inyong pamilya ay hindi mo sya mapigilan dahil ito ang nagbibigay ng panandaliang aliw sayo. Kaibigan mahirap talaga kumalas sa mga bagay na pleasurable o nagbibigay ng panandaliang kaligayahan gaya ng pagkain, sports, hobbies, sex, drugs o kaya tsismis ito ang nagbibigay sayo ng pleasure pag nakakarinig ka ng latest, o kaya pag nakakapaglaro ka ng video games, o pagbababad sa social media. Para sa iyo itong mga bagay na ito ang nagbibigay ng kasiyahan at nagpaparelease ng happy hormones sa iyo.

Kaya lang ang problema ay panandalian lamang ang dulot nitong kaligayahan at mas maraming kumplikasyon at consequence pa ang kapalit nito.

Show More

Sabi ni James K. A. Smith, sa libro nyang You Are What You Love,

“What if, instead of starting from the assumption that human beings are thinking things, we started with the conviction that human beings are first and foremost lovers?”

Sabi nya paano kung ang tao ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang mga pinagnanasaan. Ang theme ng libro ay nagsasabi na ang ating mga kinikilos at pinipiling desisyon ay resulta lamang ng mga bagay na minamahal natin at nagbibigay ng pleasure o kasiyahan. Na ang mga choices natin ay hindi resulta ng mga iniisip natin o pinapaniwalaan.

In the same way, kahit napakarami mong alam na verse sa Bible, kahit graduate ka pa ng GLC o anu mang theological school, kahit napkatindi ng pagkaunawa mo sa iyung kaligtasan, ay may panahon na mahuhulog ka pa din sa pinakaworst na kasalanan bakit? Kasi masarap at kasiyasiya ang pera, sex, materyal na bagay at iba pa.

Ito ang paguusapan natin ngayun. Paano natin papalaguin ang kasiyahan o delight sa Diyos. Pero Bakit nga ba importante itong malaman?

Kasi kung hindi ka masisisyahan sa presensya

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press