Paano mo haharapin ang problema sa trabaho?
Hirap na hirap ka na ba sa patong patong na problema sa trabaho o sa iyong negosyo. Alam mo ba na ang trabaho natin ang nagtutulak sa ating magkaron ng takot. Takot na mabigo sa isang project, takot na magkamali sa isang report, takot na mawala ang trabaho, takot na maapektuhan ang pinansyal na katayuan, takot na maapektuhan din ang kalusugan dahil sa sobrang stress, o kaya takot na masira ang iyong relasyon sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho at marami pang iba.
Maaring isa kang Kristyano na nagtatrabaho sa isang boss na hindi naman mananamapalataya na nagpapagawa sayo palagi ng mga bagay na ayaw mo dahil hindi ito kalooban ng Diyos. Kaya lang wala kang magawa dahil natatakot ka sa boss mo. O kaya naman iniisip mo na sobrang unfair ng boss mo dahil ang dami nyang pinapatrabaho sayo tapos ang sweldo mo ay wala sa standard o kulang.
Show More
Kaya minsan motivated ka pag Sunday dahil nakapagworship ka na naman pero pagdating ng Monday ay iniisip mo pa lang ang napakaraming emails na sasagutin mo, spreadsheets na aayusin ang data, mga taong iinterviewhin mo o mga taong kailangan mong bigyan ng disciplinary action, o kaya iniisip mo nanamn ang mga meetings na kailangan mong puntahan at mga desisyon na kailangan mong gawin ay pagod na pagod ka na. Wala ka ng lakas at kapayapaan.
Kaibigan ano ang gagawin mo kapag meron kang kinakaharap na problema na prang walang solusyon? O kaya paikotikot ka sa problema sa trabaho na parang walang katapusan?
Kaibigan Ang paguusapan natin ngayun ay mga hakbang kung paano mo haharapin ang mga problema na pinagdadaanan mo sa iyong trabaho. Alam mo ba na ang pagnanasa ng Diyos ay maging matagumpay ka sa lahat ng ginagawa mo. Hindi lang sa trabaho o negosyo kung hindi pati sa iyong pagpapamilya, ministry, pagaaral at iba pa.
Tapusin mo ang message na ito dahil ito ang magbibigay sayo ng kaligayahan at kapayapaan sa gitna ng mga problemang kinakaharap.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer:











