PAANO NA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS


MERCY BLESS

140 views

Paano na?
By: Plen Rotao
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Wala ito sa plano
Ni hindi ko nga pinaghandaan
Walang may nakakaalam
Hindi kita inanyayahan
Basta dumating ka nalang..

Show More

Walang pasabi
Hindi nag pasintabi
Ang alam ko lang nananahimik ako sa isang tabi
Nang bigla kang Lumapit at nagpakilala
Hanggang ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na mabura sa aking ala-ala.

Ako yung tipong organisado
Planado at alam ang gusto
May patutunguhan may pupuntahan
Alam kung kelan susugal alam kung kelan matatalo

Agad may solusyon kapag nagkaproblema
Laging ina alala ang bukas
Ang paparating na mga oras.
Walang pag aalinlangan ni hindi tatakas

Ngunit ikaw...
Tanging ikaw ang nagpalingat sa tuwid kong dinadaanan.
Binago ang nakasanayang gawin araw araw
Ang bumago sa mga plano
Nawala ang dating organisado.
Hindi ko na alam kung paano.

Sana napag aralan ko muna
Nagkaroon manlang kahit kunting ideya
Dumating ka, ng hindi ko ina akala
Sa mga panahong hindi ako handa
Ni walang kahit isang babala

Kaya noong naglaho ka
unti unti na rin akong nawala..
Sinanay mo ako na palaging nandyan ka
Nasanay na akong maging masaya
Hindi ina alala ang darating na bukas
Dahil naniwala akong tayo hanggang wakas.

Hanggang sa isang iglap,
hindi na kita mahanap.
Dumating ka ng wala sa plano
At Nawala ka kung saan akala ko
Kumpleto na ako.
Ngayong wala kana,
'Di na alam kung Paano

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press