PAANO? | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
" Paano ? "
Isinulat ni :R-Jay Enriquez / Ar Spoken
PRODUCED BY: MERCY BLESS
Di masukat ang layo ng narating na milya ,
Kahit gustuhing umatungal pakiramdam di giginhawa ,
Para bang anlayo layo muna ,
Subalit kapag nasa kataas taasan kana'y natatanaw mopa.
Show More
Siguro , kahit yung pinakamataas na bundok naakyat kuna ,
Yung pinaka malawak na dagat nalango'y kuna ,
Pero bakit dipa sapat ang aking paghinga ,
Upang ang kaba at takot ay mamahinga.
Ilang araw narin nung ika'y nakita ,
Oo di ko maikubli yung pag asa sa aking mga mata ,
Subalit saki'y pinaalala na ang dati'y tuluyan ng nagwakas na ,
Huminga ng malalim sisidin ang hangin sakit ay palalayain at ang nakikitang pag asa sa mata ay mistulang puwing lang ng hangin.
Tinatanong nila paano raw ba tayo nawala ?
May pagkakaroon ba raw ng di pagkakaintindihang dalwa?
Nagkasawaan ba ?
Oh sumuko nalamang hudyat na mayroon ng iba ?
Sa katunayan kapwa kami'y dalawa'y piniling magpalaya ,
Ang bigat , ang mga sakit , ang lahat ng kasinungalingan mapalaya ,
Dahil hindi maipaliwanag kung paano tayo nasira ,
Basta ang alam kolang naiwan ako at saki'y nanawa.
Kaya't mas pinili nalang natin na kung saan nalang tayo mabubuo ,
Kung saan mahahanap natin yung sayang hindi tinatago ,
Kung saan malaya tayong sumigaw ,
Malaya tayong makipagkilala ,
Subalit kung mananalamin tayo sa mata ,
Naroon pa ang nakaraang hindi makalaya.











