Paano Susuklian Ang Pagmamahal Ng Diyos


Last week ay pinagusapan natin ang nakakamanghang pagmamahal ng Diyos sa atin. Nalaman natin na ang Kanyang pagibig ay parang SPA – bakit SPA kasi feeling ko kasi sobra tayong pinapamper ng Diyos. Sobrasobra ang grace Niya para sa atin. Ang ibig sabihin ng SPA sa message natin last week ay S God’s love for us is Sacrificial, ang pagmamahal Niya ay willing magsakripisyo. At ipinakita Niya iyun nung pinadala Niya ang Kanyang Anak ang Panginoong Hesus upang bayaran ang ating mga kasalanan sa krus, tapos hindi lang Sacrificial ang pagmamahal ng Diyos kung hindi letter P God’s love is personal, nilikha ka ng Diyos na kakaiba sa iba at may personal Siyang purpose para sa iyo, nilikha ka din Niya para mahalin, makasama, makausap, magabayan, at maingatan. Hindi Siya malayong Diyos na ang hirap abutin. In fact Mas kilala ka Niya kaysa sa pagkakilala mo sa iyung sarili. Then letter A God’s love for you is absolute. Wala itong kondisyon, limit, at rules. Hindi nakabase ang pagmamahal Niya sa performance mo. Minahal ka NIya dahil Siya ay pagibig at hindi ito dahil sa iyung mga gawa kaya nga magkakaron ka ng kapayapaan sa iyung kaligtasan dahil walang makapaghihiwalay sayo sa Kanyang pagmamahal.
Sabi sa

1 John 4:19
19 Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.

Show More

Narealize ko na kung totoong natanggap natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin ng personal at hindi sa karanasan ng ibang tao sa Diyos ay magkakaron tayo ng bunga. Ang bunga nito ay pagmamahal din sa Kanya. Kaya nga kung gusto nating lumago ang ating pagmamahal sa Diyos to the point na hindi na tayo ang nabubuhay para sa ating sarili ay arawaraw kailangan nating I-appropriate sa ating buhay ang pagmaahal ng Diyos.

Hindi mo lang tatanggapin ng minsanan ang pagibig Niya kung hindi arawaraw. Titikman natin ang kabutihan Niya moment by moment sa ating buhay kahit ano pa ang ating sitwasyon. Nung Thursday ay nabangga ang sasakyan ng aking asawa sa isang kotse kasi nakatulog siya. Sa halip na magtampo sa Diyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press