PAG-IBIG MADAYA KA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

552 views

PAG-IBIG MADAYA KA
BY: Joshua B. Mariano
VOICE: MERCY BLESS

Nais ko sanang isigaw; “pag-ibig, madaya ka!”
Sa kadahilanang, hindi naman saya ang iyong dinadala,
Kundi pangako na isinulat sa mga maling kabanata,
Sadya sigurong, mapang-akit ka lang talaga.

Show More

Hindi nga ba?
Kasi kung pag-ibig talaga ang tunay mong dala,
Edi sana, wala nang lumuluha,
O’ di kaya’y walang tumatangis sa harap ng dambana.

Sa pagpikit ng aking mga mata, at pagdalaw ng mga tala,
Giliw, dala ko ang iyong mga pangako, mga ala-ala,
Pangako na tila napako sa mga maling kabanata,
Pasensya na, puso’y madaling umasa.

Hindi ko lubos akalain na sa iyong mga ngiti, ika’y nagbibiro,
Na sasagot ka sa tamang panahon, sa tamang minuto,
Pinanghawakan ko yaring hibla ng iyong mga pangako,
Dala nito’y mga luha’t pusong ayaw pa ring sumuko.

Sa nagdaang mga taon, binibilang ko yaring mga araw,
Mga linggo, buwan, at taon na dumudungaw,
Pero sa kanilang mga anino, di ko tanaw ang nag-iisang ikaw,

Siguro nga limot mo na ang mga salitang labi mo rin naman ang nagbitaw.

Madaya ka,
Gusto ko sanang iiyak na sana hindi na lang tayo nagkita,
Pero ano bang magagawa ko,
ang makilala ka ay kabanatang pinaka-masaya,
Sa anino ng kahapon, pilit pa ring tatanawin,
sa kadahilanang, mahal kita.

Hanggang sa natatanaw kita ng aking mga mata,
Pagtilaok ng manok sa bawat malalamig na umaga,
Paulit-ulit… ulit, kong sasambitin, “pag-ibig, madaya ka…”

‘Di dahil sa kadahilanang lumuha ang aking mga mata,
O dahil ang puso’y nawalan ng kaisa-isang pag-asa,
Kundi dahil, bukas-makalawa, hahanapin kita,
At alam kong doo’y masusumpungang, wala ka.
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all - send your original piece

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press