PAG-IBIG NA DAKILA, SA UTOS NG AMA AY PAGTALIMA
LIVE|San Bartolome Piazza Nathaniel|June 1,2023
PREACHER: Bro. Ramil Seiton
Ipinahahayag sa ating Ebanghelyo ang dalawang pinakamahalagang utos ng Diyos: Ang umibig sa Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas at ang umibig sa iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Kung tutuusin ay Pagibig ang pinakadakilang biyaya ng ating Diyos sa sangkatauhan dahil sa pagibig lahat ay maaaring magbago. Katunayan Pagibig ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay naligtas sa kasalanan kaya marapat lamang na sumunod tayo sa simpleng utos na iniwan ng ating Panginoong Hesukristo. Malinaw na pinaliwanag ng ating Panginoon na hindi siya naparito upang buwagin ang Kautusan na ibinaba ni Moises, kundi para tuparin ito. Ang bagong utos na ibinigay ni Hesus ay hinango rin sa Kautusan ni Moises, at ngayon ito ay kanyang tinupad sa pamamagitan ng pag-ibig, pagpapala, at kalayaan.
Show More
Kung mayroon lamang na pagibig na dakila ang bawat puso ng lahat ng tao at iibigin natin ng taos ang ating Diyos maging ang ating mga kapwa, siguradong ang Panginoon ay mamamalagi sa ating mga puso at siya ay mamumuno sa ating mga buhay. Araw araw, kung tayo ay magiging kaibig ibig sa ating Panginoon at sa ating kapwa ay tiyak na matatamo natin ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos.
Para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. George Bersabe.
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.
You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...
TESA Official
https://www.youtube.com/channel/UCq9v...
Also Please like and follow our Facebook page:
https://www.facebook.com/YouAreMoreTh...
https://www.facebook.com/thessalonian...
Don't forget to leave a comment on this video, click the heart / like reaction and share it with your friends!
#youaremorethanenough











