Pagkabuhay na Muli ng Panginoong Hesus!Bakit ito ang pinakamahalagang pangyayari sa buong mundo.


Nasubukan mo na ba na mawalan ng pagasa?

Nanaranasan mo na ba masaktan na sobrang sakit at inisip mo na hindi mo na kayang magpatuloy?
Narealized ko na Dahil sa ang mundo natin ay hindi perpekto ay nagdudulot talaga ito ng problema, sama ng loob, pangamba at ibatibang kahirapan.

Show More

Merong problema sa mga terorista, corruption sa gobyerno, digmaan, pandemic at iba pang pangyayari na nagiging dahilan ng pagkabalisa, panghihina at sama ng loob.

Ngayun nga ay makikita natin sa social media ang galit at poot na nararanasan sa politika. Kaliwat kanan ang batuhan ng putik na nagdudulot lalo ng dibisyon sa mga mamayan. Sa buong mundo ay parang wala ng katahimikan.
Sobrang dami ng negativity. Ang lahat ay nagkakanyakanya, nagiging ganid sa salapi, ganid sa pita ng laman, at mas nagiging makasarili ang tao. Bale wala na sa atin ang makasakit ng ibang tao.

Maaaring nagulat ka dahil bigla nalang sinabi ng asawa mo na gusto na nyang makipaghiwalay sayo, o kaya ikaw ay napagbintangan sa isang krimen na hindi mo naman ginawa, o kaya may mahal ka sa buhay na pumanaw o kaya meron kang karamdaman na walang lunas o kaya hindi mo alam kung paano ka babangon sa iyong problemang pinansyal.

At tinatanung mo kung meron pa bang pagasa sa mundong ito? Ano ang mangyayari sa akin, ano ang mangyayari sa aking pamilya ano ang mangyayari sa aming bansa?

Kaibigan merong pagasa. Gusto kang palayain ng Diyos sa mga mga bagay na nagpapahirap ng iyong kalooban. At ang katunayan na pwede nating makamtan ang kalayaan na ito ay nabuhay na muli ang Panginoong Hesus.

Namatay ang Panginoong Hesus, inilibing at nabuhay na muli para sa ating mga makasalanan. Namatay Siya para bayaran ang kaparusahan ng ating mga kasalanan upang ang sinumang mananampalataya sa Kanya ay palalayain Niya sa pagkaalipin ng kasalanan at bigyan ng makabuluhang buhay. Maaaring nawawalan ka na ng pagasa sa dami ng pinagdadaanan mo pero sa ganitong dahilan kaya namatay ang Panginoong Hesus at nabuhay muli upang bigyan ka ng bagong

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press