PAGKAING NANGGALING SA LANGIT


LIVE|CFCI Center|June 10,2023
PREACHER: Bro. Miguel Pabillare

Ngayong linggong ito ay ipinagdiriwang ng simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoong Hesukristo o Corpus Cristi. Ang Dakilang Kapistahang ito ay nagpapatunay na ang pinakadakilang biyaya ni Hesukristo ay ang kanyang Katawan at Dugo na siya ating ginugunita sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya ay itinatag ni Hesus noong gabi ng kanyang Pagpapaksakit at Pagkamatay sa Krus nang siya’y nasa Huling Hapunan upang alalahanin ng kanyang mga alagad at pati na rin ng maraming tao ang kanyang dakilang pag-aalay ng buhay. Kaya tuwing ipinagdiriwang natin ang Misa, inaalala natin ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoon.

Show More

Sa ating Ebanghelyo ay malinaw na ipilinaliwanag ng ating Panginoong Hesus na Siya ang pagkaing nagbibigay ng walanghanggang buhay at ang kumakain ng kaniyang katawan at uniinom ng kanyang dugo ay tiyak na mananahan sa Kanya at siya naman Kay Hesukristo. Sa pahayag na ito ay tila ibinibigay ni Hesus ang isang pangako na nagsasabi na Siya ay mananatili sa ating lahat at kung tayong mga tao na makasalanan ay magpapakumbaba at mananatili kay Kristo at ating igagalang ang Banal na Eukaristiya ay magkakalit tayo ng walang hanggang BUHAY.

Kaya nga ngayong Ikalawang Sabado ng buwan ng Hunyo, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Miguel Pabillare

Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!

Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.

You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...
TESA Official
https://www.youtube.com/channel/UCq9v...
Also Please like and follow our Facebook page:
https://www.facebook.com/YouAreMoreTh...
https://www.facebook.com/thessalonian...

Don't forget to leave a comment on this video, click the heart / like reaction and share it with your friends!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press