PAGNAHULOG KA TALO KA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS


MERCY BLESS

153 views

PAGNAHULOG KA TALO KA
By: mercy bless
Pagnahulog ka talo ka
Kahit gaano ka pa ka tapang
Kapag ang puso na yung tinamaan
matatalo ka talaga
Nung una akala ko
Sabi sabi lang ang mga katagang ito
Pero nung nahulog ako sayo
Di ko maipaliwanag kung ano ba itong
Nararamdaman ko
Para akong naging alipin
Sa tinitibok ng damdamin
Kahit na anong pilit ko na ikay limutin
Isip ko’y walang ibang ginawa kundi ikay
Alalahanin
Puso ba ang paiiralin ?
Kasi ang sarap din sa pakiramdam na may minamahal
Na may nagpapasaya sa puso mo kahit papano
At may nagbibigay ng saysay kung bakit ka nabubuhay sa mundo
Ewan ko ba, bakit ang sarap sa pakiramdam na mahulog
Kahit alam mong sa dulo masasakatan ka lang
Ewan ko ba pero bakit pinili kong paniwalaan ang puso ko
Kahit sa isip ko alam kong maling mali na
Kaya pala
Ang daming nagiging tanga pagdating sa pag-ibig
At ang daming nagpapaloko dahil sa pag-ibig
Dahil iba yung ligayang naibibigay nito
Kahit alam mong pansamantala lamang ang kapalit nito
Mahirap gisingin ang pusong ayaw gumising sa katotohanan
Dahil maspinili na lamang itong magbubulugbulagan
At hayaan hanggang sa ang puso’y masaktan
Mahirap pukawin ang pusong minsang naging masaya
Dahil sa nakakapagod na mundo
Kailangan din nito ng pahinga
Ngunit ito ba’y totoong pahinga ?
Kung siya’y tumatakbo sa isip mo sa tuwina?
Ito ba’y pahinga
Kung ang puso moy walang ibang ginawa
Kundi ang tumibok para lang sa kanya
Ang sarap magmahal kahit alam mong talo kana
At ang hirap pigilan kapag
Ika’y tuluyang nahulog na
Kaya kapag nahulog ka
Matatalo ka talaga
Dahil kapag puso ang nanguna
Magiging alipin ka ng pag-ibig
kahit alam mong mali na
At kung tatanungin mo ako
Kung paano mo malalagpasan to?
Ang sagot ko
Ay di ko alam
Dahil sa kasalukuyan
Ay pilit kong binibitawan
Ang taong tinuring kong pahinga
At pilit kong ipinapanalo
Ang labang ako yung talo
Dahil akoy nahulog din
Sa pag-ibig na di sigurado

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press